Pagsasama ng Same Sex union sa Araling Panlipunan curriculum, pinapaimbestigahan ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,143 total reads

Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa mga mambabatas na magsagawa ng masusing imbestigasyon at pag-aralan ang isinusulong ng Department of Education na ibilang ang ‘Same-Sex Union’ sa curriculum.

Ayon kay SLP President Raymond Daniel Cruz, Jr. hindi nararapat na isama sa Araling Panlipunan ang mga paksang may kinalaman sa ‘Same-Sex Union’ sapagkat labag ito sa mandato ng Section 13, Article II ng Saligang Batas na itaguyod ang moralidad at espiritwalidad ng mamamayan.

“The draft clearly promotes the ‘significance and advantages of same-sex unions’ and could have profound implications on the moral development of the nation’s youth,” bahagi ng pahayag ni Cruz.

Batay sa panukala ng DepEd ibibilang ang same-sex union sa revised K to 12 curriculum na layong palawakin ang kaalaman ng kabataan sa gender-based issues at himuking igalang ang bawat kasarian sa lipunan.

Una nang nanindigan ang simbahang katolika laban sa pagsasama at pag-aasawa ng kaparehong kasarian sapagkat ito ay labag sa utos ng Diyos.

Binigyang diin ni Cruz na dapat isaalang-alang ng mga mambabatas ang moralidad ng mga kabataan sa pagsusulong at paglikha ng mga programang kabilang sa mga asignatura ng mga eskwelahan.

“We call on our Legislators and Educators to consider a deeper probe in this very important matter and to call for a review of the entire draft,” giit ni Cruz.

Unang nanawagan si CIBAC partylist Representative Bro. Eddie Villanueva hinggil sa panukala sapagkat ito’y nakababahala para sa paghuhubog sa kaisipan ng kabataan.

Tiniyak ng simbahan ang pagpapaigting sa katesismo at pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mamamayan lalo na sa kabataan lalo na sa mga usaping panlipunan kabilang na ang paggalang sa kasarian.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 209,090 total reads

 209,090 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 236,361 total reads

 236,361 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 270,483 total reads

 270,483 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 326,886 total reads

 326,886 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top