Sama-samang pagdeklara ng climate emergency, panawagan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,621 total reads

Nakiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa panawagang paigtingin ang pagkilos upang tugunan ang lumalalang climate crisis.

Sa video message, hinimok ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang bawat isa na magsama-sama sa pagdedeklara ng climate emergency upang mabigyang-pansin ng kinauukulan ang kalagayan ng mga likas na yaman sa Pilipinas, maging sa buong mundo.

Umaasa ang obispo na ang lahat ng mga katoliko at iba pang denominasyon at paniniwala mula sa anim na kontinente sa buong mundo ay magtutulungan para sagipin ang ating nag-iisang tahanan.

“Our objective is to bring the whole human family together-and that of course includes all fellow Christians from other traditions and denominations, and all fellow believers from other faith communities to protect the earth—our common home,” bahagi ng pahayag ni Bishop David.

Ang mensahe ni Bishop David ay kaugnay sa paggunita sa Laudato Si’ Week 2023 mula May 21-28, na may temang “Hope for the Earth, Hope for Humanity”.

Hinikayat naman ng pangulo ng CBCP ang lahat ng diyosesis at bikaryato sa Pilipinas na magsagawa ng screening ng “The Letter” sa bawat parokya, paaralan, at basic ecclesial communities.

Layunin ng pelikula na ibahagi ang kuwento ng apat na frontline leaders na lubhang apektado ng climate crisis, at nagtungo sa Roma upang makadaupang-palad si Pope Francis at higit na maunawaan ang nilalaman ng Laudato Si’.

“This is one of the best ways in joining the Holy Father—Pope Francis—and the rest of the Catholic Bishops in the 6 continents in campaigning for more serious action in response to the climate crisis,” ayon kay Bishop David.

Maaaring mapanuod at ma-download ang pelikula sa Youtube, i-search lamang ang “The Pope, the Environmental Crisis, and Frontline Leaders | The Letter: Laudato Si’ Film”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 1,159 total reads

 1,159 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 43,245 total reads

 43,245 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 77,372 total reads

 77,372 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 133,778 total reads

 133,778 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 177,616 total reads

 177,616 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top