Restoration ng nasunog na Manila Central Post Office, tiniyak ng NHCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,593 total reads

Tiniyak ng National Historical Commission of the Philippines na muling maitatayo ang nasunog na Manila Central Post Office Building sa Manila.

Ayon kay NHCP Chairman Dr. Emmanuel Franco Calairo,mahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansa ang gusali na unang itinayo noong 1926 alinsunod sa disenyo ni Filipino Architect Juan Arellano katuwang sina Tomas Mapua at Ralph Doane.

“The NHCP, in collaboration with local and national agencies, expresses its commitment to help the Philippine Postal Corporation (PHLPost), in any way, to rehabilitate the damaged edifice,” bahagi ng pahayag ni Calairo.

Unang idineklarang National Historical Landmark ang post office building noong 2012 kasabay ng Plaza Lawton habang noong 1994 ay inilagay din sa gusali ang historical marker nito.

Ayon sa Bureau of Fire Protection nagsimula ang sunog alas 11:41 ng gabi ng May 21 at tumagal ng halos walong oras kung saan itinaas sa general alarm at naideklarang fire under control May 22 ng alas siyete ng umaga.

Unang na-restore ang gusali noong 1946 makaraang lubhang mapinsala ng World War II.

“For the time being, we will give way to the PHLPost in conducting retrieval operations and addressing the basic needs of their people,” saad ng opisyal.

Nilinaw naman ni Manila Mayor Honey Lacuna Pangan na protektado ng batas ang lugar na kinatatayuan ng gusali dahil bukod sa pagiging National Historical Landmark ay ideneklara rin itong Important Cultural Property ng bansa noong 2018.

Una nang umapela ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Cultural Heritage of the Church sa mamamayan na pahalagahan ang mga mga gusali at pook na may malaking ambag sa kasaysayan ng bansa at ng bawat Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 41,806 total reads

 41,806 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 75,933 total reads

 75,933 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 132,339 total reads

 132,339 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 253,842 total reads

 253,842 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top