Mamamayan, hinimok na makiisa sa Laudato Si Week 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,911 total views

Hinimok ni Capiz Arcbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na makiisa sa paggunita sa Laudato Si’ Week 2023.

Ayon kay Archbishop Bendico na sa diwa ng synodality, sama-sama nawang sikapin ng bawat isa na unawain ang mga nilalaman ng ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco na maaaring maging kasangkapan tungo sa kaharian ng Diyos.

Sinabi ng Arsobispo na bagamat magkakaugnay ang lahat ng nilikha ng Diyos, tungkulin ng tao ang maging mabuting katiwala ng kalikasan kaya dapat isantabi ang pagiging makasarili na nakapipinsala sa ating nag-iisang tahanan.

“He continues to create until now through the produce of the lands and the seas. Aside from us, other creatures have also their joys which should not be taken away from them. Let us put aside our human greed and selfishness and be concerned with our common home. For we are all interconnected,” mensahe ni Bishop Bendico mula sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang diin ni Archbishop Bendico na nais ibahagi ng Santo Papa sa kanyang ensiklikal na ang lahat ay nilikha nang Diyos na pantay-pantay.

Gayunman, nangangahulugan ito na dapat ipakita ng tao ang pagmamalasakit at pangangalaga sa mga likas na yaman, sa halip na pairalin ang kasakiman na lubha ring nakakaapekto sa kapwa.

“Hence, let us take care of this earth for then, we are also taking care of ourselves, our children and grandchildren,” saad ni Archbishop Bendico.

Una nang hinimok ni Archbishop Bendico sa pamamagitan ng circular letter ang mga pari, consecrated person, at layko ng arkidiyosesis upang makiisa sa paggunita sa ikawalong anibesaryo ng pagkakalathala sa Laudato Si’ ni Pope Francis.

Kaugnay nito, pangungunahan ng Arsobispo ang Banal na Misa sa ika-30 ng Mayo, ganap na alas-5:30 ng hapon sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedral, Roxas City.

Ipagdiriwang ang Laudato Si’ Week 2023 mula May 21-28 na may temang “Hope for the Earth, Hope for Humanity”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 55,050 total views

 55,050 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 50,919 total views

 50,919 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 87,121 total views

 87,121 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 95,579 total views

 95,579 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 120,303 total views

 120,302 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top