Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

UNILAB at Caritas Philippines, lumagda sa kasunduan

SHARE THE TRUTH

 1,169 total views

Pagpapaigting sa diwa ng pagtutulungan ang layunin ng paglagda sa kasunduan sa pagitan ng Caritas Philippines at UNILAB, Inc.

Pinangunahan nina Caritas Philippines executive director Fr. Tony Labiao at UNILAB Assistant Vice President at External Affairs and Social Partnerships Division head Claire Papa ang paglagda sa Memorandum of Understanding bilang katibayan ng ugnayan ng simbahan at pharmaceutical company sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Ayon kay Fr. Labiao, hindi lamang ugnayan ang pinagtitibay ng kasunduan kundi maging ang kakayahan ng dalawang institusyon na magampanan ang tungkuling paglingkuran ang mga nasa laylayan ng lipunan.

“It’s not just an ordinary friendship or partnership… Ang na-experience ko sa Unilab is we enrich each other in different levels. I think that’s very important in partnership.” pahayag ni Fr. Labiao.

Hiling din ng pari na sa pamamagitan nito ay mas makahikayat pa ng maraming organisasyon na handang makipagtulungan alang-alang sa mga pamayanang hirap na maabot ng iba’t ibang serbisyo lalo na sa kalusugan.

Inihayag naman ni Papa na naging epektibong katuwang ng UNILAB ang humanitarian at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto lalo na sa mga lugar na hirap maabot ng serbisyong pangkalusugan.

Pagbabahagi ng opisyal ng pharmaceutical company na maliban sa simbahan, patuloy itong nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor at institusyon para mas mapalawak at mapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng bawat pamayanan.

“Kailangan po talaga ‘yung tinatawag natin na ‘spirit of bayanihan’–‘yung pagmamalasakit na gusto natin gawin para sa ating bayan. Magagawa po natin ito kung sama-sama mula sa iba’t ibang sektor ‘yung nagtutulungan… We are hoping na itong partnership namin ay maging daan din para mabuksan ‘yung pinto para sa iba pang mga kumpanya, sa iba pang mga grupo na gustong sumama dito sa ginagawang pagtulong ng Caritas Philippines kasama po ang kumpanya na katulad namin.” ayon kay Papa.

Ginanap ang paglagda sa kasunduan nitong Mayo 25, 2023 sa Caritas Philippines Office sa CBCP Compound, Intramuros Manila na sinaksikahan ng mga kawani mula sa dalawang institusyon.

Ito’y kabilang sa inisyatibo ng Alay Kapwa Legacy Stewardship Program ng humanitarian at advocacy arm ng simbahan sa ilalim ng Alay para sa Kalusugan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 25,995 total views

 25,995 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 34,095 total views

 34,095 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 52,062 total views

 52,062 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 81,123 total views

 81,123 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 101,700 total views

 101,700 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,945 total views

 8,945 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,225 total views

 10,225 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,634 total views

 15,634 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top