Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 468 total views

Homiliya Para sa Huwebes sa ika-7ng Linggo ng Pagkabuhay, 25 May 2023, Juan 17:20-26

Magandang hangarin ang PAGKAKAISA pero hindi lahat pinagkakaisahan ay mabuti o tama. Sa ating first reading, nagkaisa ang mga Pariseo at Saduseo na karaniwang hindi nagkakasundo sa maraming usaping doktrina. Nagkaisa lang sila sa hangarin nilang mapabilanggo at mapatahimik si San Pablo sa pangangaral niya ng mabuting balita tungkol sa Panginoong HesuKristo.

Alam ni San Pablo na may mga pagkakaisa na madaling buwagin. Kaya kumambyo siya sa depensa niya. Ang sabi niya, “Kaya ba ako nililitis dito at dahil Pariseo ako at naniniwala sa muling pagkabuhay?” Alam kasi niya na ang doktrina tungkol sa muling pagkabuhay at kabilang buhay ay isa sa mga pinagtatalunan ng dalawang grupo. Pro-resurrection ang mga Pariseo, kontra naman ang mga Saduseo. Para sa kanila, walang ibang buhay kundi ang dito sa mundo.

Ayun, ang bilis tuloy na nabuwag ng pagkakaisa nila ; aba narinig lang ang muling pagkabuhay biglang hindi na sila magkasundo sa naunang hangarin nila na mahatulan si San Pablo ng parusang kamatayan.

Sa ebanghelyo naman, narinig natin ang sinabi ni Hesus sa Juan 17:20, “Ang panalangin koʼy hindi lang para sa kanila na sumasampalataya sa akin , kundi pati na rin sa mga sasampalataya pa sa akin sa pamamagitan ng pangangaral nila.” Ibig sabihin, hindi lang para sa kanyang mga alagad na kasama niya sa sandaling iyon, kundi para din sa ating mga alagad niya ngayon.

Pero linawin natin, malinaw ang hiniling niya—hindi lang na magkaisa tayong lahat, kundi ang tayo’y magkaisa “kung paanong siya at ang Ama ay nagkakaisa.” Na sana ang maging batayan ng ating pagkakaisa ay ang pagkakaisa ng Ama at Anak sa buklod ng Espiritu Santo. Pagkakaisang nakatayo sa pundasyon ng pag-ibig, dahil, sabi nga ni San Juan, “Ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8)

At sabi rin ng Kasulatan, “Nilikha ng Diyos ang tao sa kanyang sariling hugis at wangis.” (Gen 1:26-27). Ibig sabihin, kalooban niya na mahawig tayo sa kanya. Nagkamali nga lang tayo ng intindi; akala natin makakahawig natin ang Diyos sa pamamagitan ng paghahangad ng kapangyarihan. Nilinlang ng dimonyo ang tao na maghangad na mag-Diyos-diyosan, upang lalong malayo sa hugis at wangis ng Diyos.

Si Kristo Hesus ang nagturo sa atin sa tunay na pakikitulad sa Diyos: ANG PAG-IBIG. Kapag ang tao’y natututong lumabas sa sarili, kumalinga sa kapwa lalo na sa mga maliliit at mga nasasantabi, magmalasakit, magpakumbaba, magpatawad, maghangad ng katarungan na nakabatay sa habag, kapag natuto tayong magparaya at mag-alay ng buhay alang-alang sa kaibigan o minamahal, noon lang tayo makakabuo ng buklod na matibay na bilang isang sambayanan, sa Ingles, COMMUNITY, buklod na sumasalamin sa Banal na Santatlo ( Holy Trinity).

Hindi naman kasi lahat ng nagkakaisa ay matatawag na “community”. Lalo na kung ang pinagkakaisahan nila ay pagkamuhi, pagkainggit, hinanakit, pagkahumaling sa kapangyarihan, kayamanan at katanyagan. Walang uusbong na community kung walang nabubuong “COMMUNION” o pagkakaisang-puso’t diwa. Ito ay kaloob ng iisang Espiritu Santong ating tinanggap sa binyag.

Kaya napakahalagang simbolo para sa ating mga Katoliko ng Santo Papa. Ang itinuturing natin kapwa Katoliko sa buong daigdig ay ang sinumang “in communion with the Bishop of Rome”. Ang Roma ay simbolo para sa atin ng pagkakaisa bilang pandaigdigang simbahan. Kaya “Pontifex Maximus” ang tawag sa Latin sa sinumang maluklok bilang Obispo ng Roma, dahil siya ang gumaganap bilang ating tulay o tagapag-ugnay sa isa’t isa. Siya ang kumakatawan sa papel na ginampanan ni San Pedro bilang pinuno ng mga apostol. Tagapangalaga ng buklod ng pagkakaisa ng sambayanan ng mga alagad sa iisang Espiritu, sa ngalan ni Kristo.

Minsan, sa pagpapalayas ni Hesus ng mga dimonyo, tinawag siyang “alagad ng dimonyo” o “kampon ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga dimonyo.” Sinabi tuloy niya, “Ang isang kahariang nahahati laban sa sarili ay hindi maaaring manatili.” Iyon kasi ang misyon ng dimonyo, ang pagkaisahin tayo sa maling hangarin para magkahati-hati tayo, maglaban-laban, magkaisa sa pagkahumaling sa kapangyarihan, sa prinsipyong MATIRA ANG MATIBAY.

Pero wala tayong dapat ikatakot; ipinagdasal tayong lahat upang magkaisa, hindi lang tayong mga nananatili pang buhay, kundi kasama na rin ng ating mga yumao na nananatili pa ring nakabuklod sa iisa at buháy na katawan ng ating Panginoong HesuKristo. Ito lamang ang matibay pagkakaisa na ipinanalangin ni Hesus para sa atin.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,933 total views

 28,933 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 37,033 total views

 37,033 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,000 total views

 55,000 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,033 total views

 84,033 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,610 total views

 104,610 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

TEARS

 7,183 total views

 7,183 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSALUBONG

 9,541 total views

 9,541 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 21,515 total views

 21,515 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAIN NA

 10,402 total views

 10,402 total views Homiliya para sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon Huwebes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong malalalim na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

FULFILL YOUR MINISTRY

 9,512 total views

 9,512 total views Homily for Chrism Mass 2025 My dear brother priests and our beloved priestly people, magandang umaga po sa inyong lahat. Every year, on

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAPANATAGAN NG LOOB

 17,071 total views

 17,071 total views Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23 Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 5,246 total views

 5,246 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 5,248 total views

 5,248 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 5,415 total views

 5,415 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 5,961 total views

 5,961 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 6,605 total views

 6,605 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 13,790 total views

 13,790 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 8,498 total views

 8,498 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 12,251 total views

 12,251 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top