Pagbuwag ng mga kumpanya sa labor union, pinapa-imbestigahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,121 total reads

Nanawagan ang pinaka-malaking samahan ng labor groups sa pamahalaan na imbestigahan ang paniniil ng mga malalaki at international companies sa sektor ng manggagawa sa bansa.

Tinukoy ng NAGKAISA Labor Coalition ang malawakang pagtatanggal ng mga kompanya sa kanilang manggagawa nang walang sapat na dahilan.

Nangangamba si Atty.Sonny Matula – Chairperson ng NAGKAISA at Federation of Free Workers (FFW), na ginagawa ito maaring paraan ang hakbang upang mabuwag ang mga Union at iba pang samahan ng mga manggagawa sa kanilang mga trabaho.

“A case in point in the private sector, Nagkaisa showed, is the plight of some 400 workers at De Los Santos Medical Center (DLSMLC) where regular workers are gradually being replaced by new hires under the category of CNA (under-board nursing assistants) whose functions overlap with Orderly or tenured employees who have been working at the hospital for at least 10 years,” bahagi ng mensaheng ipinadala ni Matula sa Radio Veritas.

Iginiit ni Matula na nananatiling banta sa kabuhayan ng mga manggagawa ang hakbang ng malalaking kompanya.Ayon kay Matula, kahit regular na manggagawa ay kasama din sa mga natatanggal sa trabaho lalo na ang mga kontrakwal o bahagi ng manpower agencies.

“The coalition said the labor department well as the Civil Service Commission must act swiftly to this kind of problem because the issues here involve not only the loss of jobs and tenure but also the right of workers to unionize, a condition which the recent ILO High Level Tripartite Mission in the country found deteriorating rather than improving,” bahagi ng panawagan ni Matula.

Bukod sa DLSMLC, isinagawa ng mga kompanyang Nestle-Wyeth Philippines at Duty Free Philippines ang mass layoff kung saan tinanggal ang mga manggagawa kasama ang mga mga leader o miyembro ng mga union.

Mariin namang kinukundena ng mga sangay ng simbahan na katulad Church People Workers Solidarity at Ecumenical Institute of Labor Education and Research ang pagsasagawa ng mga katulad na hakbang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 198,710 total reads

 198,710 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 226,582 total reads

 226,582 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 260,704 total reads

 260,704 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 317,108 total reads

 317,108 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top