Diocese of San Carlos, nagpahayag ng suporta sa Rights of Nature bill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,133 total reads

Suportado ng Diyosesis ng San Carlos, Negros Occidental ang Rights of Nature Bill na layong isulong ang pangangalaga sa karapatan ng inang kalikasan.

Sa pastoral letter ni Bishop Gerardo Alminaza para sa Laudato Si’ Week 2023, inihayag ng obispo na sisikapin ng diyosesis na isulong at paigtingin ang pagkilos laban sa lumalalang krisis sa klima sa Pilipinas.

Kabilang na rito ang pagtataguyod sa paglipat at paggamit ng renewable energy na tiyak na malinis at ligtas sa kalikasan at kalusugan, kumpara sa mga fossil fuel at coal-fired power plant.

“We shall continue to advocate for police reforms that address prevalent enviornmental issues, push for climate action, and support a just transition towards a low-carbon economy by supporting the Rights of Nature Bill and other Green Bills,” ayon kay Bishop Alminaza.

Maliban dito, paiigtingin din ng diyosesis ang inisyatibong ipalaganap ang Sapat Lifestyle upang baguhin ang mga nakasanayang nagdudulot ng negatibong epekto sa mga likas na yaman.

Sa pamamagitan nito’y mas maibabahagi pa ang kaalaman at tamang pamamaraan upang mabawasan ang mga nalilikhang basura, pagtitipid sa paggamit ng kuryente, at pagkakaroon ng maayos at malinis na transportasyon.

“We shall promote and initiate SAPAT Lifestyle practices in all aspects of work, including waste reduction, energy conservation, and sustainable transportation,” ayon sa obispo.

Nakikiisa rin ang diyosesis sa panawagan sa pamahalaan na magdeklara na ng climate emergency sa bansa upang higit na mapagtuunan ang pagpigil sa lumalalang epekto ng climate crisis.

“There is no better time than now to recognize the interconnectedness of all creation, and thereby it is our responsibility to acknowledge out nature’s intrinsic rights to thrive, restore, and protect itself from the very system that put us in the state of climate emergency in the first place,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 166,723 total reads

 166,723 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 238,594 total reads

 238,594 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 272,040 total reads

 272,040 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 307,338 total reads

 307,338 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 527,328 total reads

 527,328 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 160,485 total reads

 160,485 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top