DSWD, positibo sa inilunsad na “food stamp program”

SHARE THE TRUTH

 1,559 total views

Paiigtingin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga programang makatutulong lalo sa mahihirap na Pilipino.
Ito ang mensahe ni DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez hinggil sa food stamp program ng kagawaran para sa poorest of the poor.
Layunin ng programa na matulungan ang mamamayang walang kakayahang makabili ng pagkain dahil sa kakulangan ng pinagkakakitaan.
Ito pong food stamp natin gusto po nating ibalik yung dignidad sa ating mga kababayan na tinatawag natin na food poor,” pahayag ni Lopez sa Radio Veritas.
Ang programa ay inisyatibo ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at bahagi ng ‘Walang Gutom 2027’ program sa mithiing matugunan ang suliranin sa kagutuman sa bansa.
Ipinaliwanag ni Lopez na ang isang milyong benepisyaryo ng programa ay kumikita ng walong libong piso pababa mas mababa sa 12-libong pisong national poverty threshold dahilan upang hindi makabili ng masustansyang pagkain.
Kabilang sa mekanismo ng DSWD sa programa ang paghuhubog at pagsasanay sa mga benepisyaryo sa tulong ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng TESDA, DOLE, DA, DTI at iba pa.
Tiwala si Lopez na sa pamamagitan ng mga pagsasanay ay mapalakas ang kasanayan ng mga Pilipino na magagamit upang mapa-unlad ang buhay ng kanilang pamilya at maging makabuluhan sa lipunan.
Pag natutulungan kayo sa pamamagitan ng electronic budget transfer na makabili ng masustansyang pagkain inaasahan po natin na kayo din naman in return kapakipakinabang na miyembro ng ating lipunan through employment o through business,” giit ni Lopez.
Sa nasabing programa makatatanggap ng 3, 000 kada buwan ang benepisyaryo sa pamamagitan ng cash card kung saan 40 -porsyento rito ay kasapi ng 4Ps program at 60 porsyento naman ang poorest of the poor batay sa talaan ng National Household Targeting System.
Suportado ng simbahan ang mga programa ng pamahalaan na makatutulong lalo sa mga dukha subalit panawagan ang pagbalangkas ng konkretong tugon sa mga pangunahing suliranin sa bansa tulad ng kahirapan, kagutuman at kawalang sapat na pagkakakitaan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Manggagawang Pilipino

 21,882 total views

 21,882 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 28,038 total views

 28,038 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 32,400 total views

 32,400 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 42,991 total views

 42,991 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 51,214 total views

 51,214 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Norman Dequia

Pastoral at spiritual enhancement ng mga kawani ng security forces ng bansa, tiniyak ng MOP

 25 total views

 25 total views Tiniyak ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagpapalago sa espiritwalidad ng mga kawani ng security forces ng bansa. Ito ang mensahe ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio kasunod ng paggawad ng sakramento ng kumpil sa 38 inidbidwal sa National Headquarters ng Bureau of Fire Protection sa Quezon City. Sinabi ng obispo na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahang mag-pilgrimage sa Antipolo cathedral

 40 total views

 40 total views Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na makiisa sa pilgrimage season ngayong buwan ng Mayo sa pagbisita sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Ayon sa obispo magandang pagkakataon na makibahagi ang kristiyanong pamayanan sa mayamang kultura at tradisyon ng diyosesis kung saan sinimulan

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Obispo, nagbabala sa publiko kaugnay sa A.I.

 2,435 total views

 2,435 total views Pinag-iingat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan higgil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang Artificial Intelligence. Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication tulad ng mga modernong bagay maraming magagandang maidudulot ang paggamit ng A.I dahil pinabibilis

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Santo Papa Francisco sa mga Kura Paroko: Itaguyod ang misyon at simbahang sinodal

 2,597 total views

 2,597 total views Pinaalalahanan ng Papa Francisco ang mga kura paroko sa natatanging gawain na maging tagapastol sa bawat binyagan tungo sa iisang misyong ipalaganap ang Mabuting Balita sa sanlibutan. Sa ginanap na International Meeting “Parish Priests for the Synod” sa Roma kinilala ng santo papa ang malaking gampanin ng mga kura paroko upang itaguyod ang

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pinakabatang Arsobispo ng Pilipinas, iniluklok bilang pinuno ng Archdiocese ng Caceres

 3,284 total views

 3,284 total views Humiling ng panalangin si Archbishop Rex Andrew Alarcon kasunod ng pagluklok bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Caceres sa Bicol region. Sinabi ng arsobispo na mahalaga ang mga panalangin ng mamamayan upang manatiling gabay ang Panginoon sa kanyang pagpapastol sa mahigit isang milyong kawan na ipinagkatiwala ng simbahan sa kanyang pangangalaga. Ito ayon

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga bagong katungkulan sa Archdiocese of Manila, isinapubliko

 8,966 total views

 8,966 total views Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang pari sa kanilang bagong katungkulan sa mga parokya, mission stations at institusyon ng Archdiocese of Manila. Kabilang sa mga nagkaroon ng pagbabago ang pamunuan ng San Carlos Seminary kung saan itinalagang Rector si Fr. Rolando Garcia Jr. habang Vice Rector, Procurator at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakahirang sa ika-5 Pilipinong Obispo sa US, ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro

 9,510 total views

 9,510 total views Ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pagtalaga ng Papa Francisco kay Filipino priest Fr. Reynaldo Bersabal bilang Auxiliary bishop ng Diocese of Sacramento. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, ito ay palatandaang patuloy ang paglago ng kristiyanismo sa Pilipinas sapagkat nakapagbahagi ng mga misyonerong Pilipino sa ibayong dagat. “We praise and thank

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga kabataan, inaanyayahang tuklasin ang bokasyon

 9,616 total views

 9,616 total views Umaasa si Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na maging bukas ang mga kabataang pagnilayan ang bokasyon at tumugon sa tawag ng Panginoong maglingkod sa kawan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng pandaigdigang panalangin para sa bokasyon kasabay ng Linggo ng Mabuting Pastol. Ayon sa Obispo, nawa’y pakinggan ng mga kabataan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

4-libong kabataan, lalahok sa national vocation festival

 13,253 total views

 13,253 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga diyosesis sa basna ang pagtataguyod sa bokasyon ng mga kabataan. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Vocations Executive Secretary Fr. Randy de Jesus, dapat magkaroon ng ‘kultura ng bokasyon’ ang simbahan sa Pilipinas upang magabayan ang mga kabataang nais maglingkod sa kawan ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katarungan para sa pinaslang na babae sa Bohol, panawagan ng obispo

 14,577 total views

 14,577 total views Mariing kinundena ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang karumal-dumal na pagpaslang kay Roselyn Gaoiran ng Tubigon Bohol. Hinimok ni Bishop Uy ang mga awtoridad na magsagawa ng malawakang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen. “We urge the authorities to promptly initiate a thorough investigation to ensure that the perpetrator(s) are

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Iwasan ang malawakang military conflict sa Middle East,panawagan ni Pope Francis

 14,882 total views

 14,882 total views Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco na iwasan ang anumang hakbang na magpapalala sa karahasang nangyayari sa pagitan ng Israel at Hamas militant sa Middle East. Ito ang panawagan ni Pope Francis kasunod ng pag-atake ng Iran sa Israel na magdudulot ng lalong pagkasira sa magkatunggaling bansa at higit na makakaapekto sa mga mamamayan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Dayalogo para sa kapayapaan, hangad ng Santo Papa

 20,695 total views

 20,695 total views Umaasa ang Kanyang Kabanalan Francisco na maliwanagan ang kaisipan ng mga taong nagsusulong ng karahasan para sa pagkakasundo at kapayapaan. Ayon kay Pope Francis, nawa’y sa liwanag na hatid ni Hesus na muling nabuhay ay mapaigting ang mga hakbang ng dayalogo sa magkakatunggaling mga bansa at manaig sa mundo ang kapayapaang hatid ni

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, pinag-iingat ng AOC sa mga nagpapanggap na pari ng Roman Catholic

 23,404 total views

 23,404 total views Pinaalalahanan ng Archdiocese of Manila – Office of Communications (AOC)ang mamamayan lalo na ang mga tanggapan at institusyon na nagdiriwang ng Banal na Misa sa labas ng mga simbahan na mag-ingat sa mga indibidwal na nagpapanggap na pari ng Roman Catholic. Nababahala si National Shrine of the Sacred Heart Team Ministry Member, AOC

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paglapastangan sa parokya sa Binalbagan, Negros Occidental; Bishop Galbines, pansamantalang ipinasara ang simbahan

 24,411 total views

 24,411 total views Pansamantalang isinara sa publiko ang San Isidro Labrador Parish Church sa Binalbagan, Negros Occidental dahil sa insidente ng paglapastangan sa mga sagradong bagay ng simbahan. Ayon kay Kabankalan Bishop Louie Galbines, ang paglapastangan sa altar at sa mga bagay na binibigyang pagpapahalaga at paggalang ng simbahan kaya’t kinakailangan ang pagsasagawa ng pagbabayad-puri tungo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkasawi ng mga naghahatid ng tulong sa digmaan sa Gaza, ikinababahala ng Santo Papa

 24,592 total views

 24,592 total views Ikinalungkot ng Kanyang Kabanalan Francisco ang nagpapatuloy na karahasang nangyayari sa Gaza Strip lalo na ang pagkakapaslang sa mga taong tumutulong sa mga inosenteng sibilyan. Dalangin ni Pope Francis ang katatagan ng mga pamilyang naiwan ng mga biktima ng karahasan at muling umapela sa kinauukulan na pahintulutan ang humanitarian aid para sa kapakinabangan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top