Mayorya ng mga estudyante, tutol sa mandatory ROTC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,453 total views

Natuklasan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na mayorya ng mga estudyante ang tutol sa panunumbalik ng Mandatory Reserve Officers’ Training Corps o R-O-T-C.

Ayon sa survey ng C-E-A-P sa 20,461 estudyante sa kolehiyo at Senior High School na nag-aaral sa kanilang member school, 53% ang tutol, 28% naman ang sang-ayon at 19% sa bilang ang hindi tiyak kung sang-ayon o tutol sa panunumbalik ng mandatory ROTC.

Mula sa bilang ng 53% na tumutol, 54-percent naman ng mga estudyante ang nangangamba na dagdag na pasakit sa mga mag-aaral ang mandatory ROTC, 42% naman ang nagsasabing dagdag gastusin ito sa mga nagpapaaral sa kanila, 34% ang nangangamba dahil sa korapsyon at karahasan na maaring maranasan, 17% ang tutol at 6% ang may magkakaibang uri ng dahilan.

Mula naman sa 28% na sumang-ayon, 68% ang nais matuto o magkaroon ng kakayahan sa pagiging sundalo, disaster preparedness at civic exercises, habang 46% ang naniniwala na magtuturo ang ROTC ng pagmamahal sa bayan, 45% naman ang inaasahan ang mga matatanggap na benepisyo katulad ng libreng uniporme at 7% ang naniniwalang magtuturo ito ng disiplina sa mga mag-aaral.
Ang mga respondent ay binubuo ng 7,576 Grade 11 Students, 6,719 naman ang Grade 12 at 6,166 ang mga mag-aaral sa kolehiyo kung saan 65% ang kababaihan habang aabot sa 35% ang mga lalaking estudyante.

Nagmula naman ang survey sa lathala ng CEAP Online Gazzette para sa buwan ng Mayo na tinatalakay ang ibat-ibang gawain at inisyatibo ng CEAP na may 1,600 mga kasaping miyembro na paaralan at iba katolikong institusyon.

Naunang inihayag ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio na magiging mabuti ang pagsusulong ng mandatory ROTC kung maayos itong maipapatupad sa mga paaralan at mapangalagaan ang kapakan ng mga estudyante

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 15,374 total views

 15,374 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 65,388 total views

 65,388 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 61,257 total views

 61,257 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 97,376 total views

 97,376 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 105,351 total views

 105,351 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top