Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ituon ang pansin sa mga isyu sa sektor ng edukasyon

SHARE THE TRUTH

 1,203 total views

Mga Kapanalig, karapatan ng mga manggagawang bumuo at sumali sa mga unyon at asosasyong kakatawan sa kanilang mga karapatan at interes. Ngunit tila nanganganib ang karapatang ito ng ilan nating mga guro.  

Kamakailan, hiningi ng Department of Education (o DepEd) ang listahan ng mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers o ACT Teachers partylist na kasama sa Automatic Payroll Deduction System (o APDS) ng kagawaran. Ayon sa ACT Teachers, paglabag sa right to freedom of association, expression, and redress of grievances na nasa 1987 Constitution ang ginagawang “profiling” ng DepEd. Dinepensahan naman ng DepEd ang naturang memo at nilinaw na hindi raw nito partikular na tina-target ang mga miyembro ng ACT Teachers. Ang pangongolekta ng mga pangalan ay para lamang sa pagsasaayos ng human resource system ng ahensya.  Ngunit para sa ACT partylist, hindi na raw kailangan pang kolektahin ng DepEd ang listahan ng kanilang miyembro dahil mismong DepEd na ang nag-aapruba at nagpapatupad ng APDS kada buwan.  

Madalas akusahan ni Bise-Presidente at DepEd Secretary Sara Duterte ang ACT partylist na kasapi umano ng mga komunistang grupo. Ito ay dahil sa mga panawagan ng grupong solusyunan ang mga isyung bumabalot sa sektor ng edukasyon sa bansa, katulad ng kakulangan ng mga guro, pagtataas ng kanilang sahod, at pagkukumpuni at pagpapatayo ng mga karagdagang pasilidad sa paaralan. Para sa ACT partylist, intimidation at harassment ang ginawang ito ng DepEd. Paglabag din daw ito sa karapatan nilang mag-organisa at sumali sa isang unyon. Lubhang nakaaalarma rin at direktang pag-atake raw sa privacy at security ang pagbubunyag at pagproseso ng kanilang personal at sensitibong impormasyon nang walang pahintulot.  

Anuman ang layunin ng DepEd sa inilabas nitong memo, tandaan nating mahalagang may mga grupong nagsusulong sa karapatan ng mga manggagawa katulad ng mga guro. Marami sa mga benepisyong natatanggap ng mga guro natin ngayon ay dahil sa labang napagtagumpayan ng ACT partylist sa Kongreso. Kabilang sa mga ito ang mas mataas na cash allowances, tax exemption ng 13th month pay at iba pang mga bonus, at regularisasyon ng mga kontraktwal na guro. Karamihan sa nakakamit nating mga karapatan ngayon ay dahil sa pagsusumikap at pagpupunyagi ng mga unyong manawagan ng mga serbisyo at benepisyong dapat ibinibigay ng gobyerno at dapat nating natatanggap.  

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, mahalagang bahagi ng pagtataguyod ng katarungang panlipunan at pagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa ang mga unyon o anumang porma ng mapayapa at sama-samang pagkilos. Kinikilala sa ensiklikal na Gaudium et Spes na pangunahing karapatan ng tao ang magtatag ng mga samahan at mapabilang sa mga unyong kakatawan sa kanya bilang manggagawa at makapag-aambag sa pagkakaroon niya ng maayos at makatarungang kondisyon sa trabaho. Kaakibat ng karapatang ito ang kalayaang makibahagi sa mga gawain ng mga unyon nang walang banta ng pananakot. Sa pamamagitan ng maayos at mapayapang pakikilahok, magagawa ng mga manggagawang mag-ambag sa pagkamit ng kabutihang panlahat.  

Mga Kapanalig, mandato at responsibilidad ng gobyernong pagtuunan ng pansin, suriin, at solusyunan ang mga isyu sa sektor ng edukasyon. Gaya nga ng sabi sa Lucas 12:48, “ang binigyan ng marami ay hahanapan ng marami.” Ang mga lider natin ay binigyan ng kapangyarihang dapat nilang gamitin para sa kapakanan ng kanilang pinaglilingkuran. Malinaw ding karapatan ng mga manggagawa, kasama ang mga guro, na kolektibong ipahayag ang kanilang mga hinaing at punahin ang mga pagkukulang ng pamahalaaan sa pamamagitan ng pagsali sa unyon. Kaya mas pagtuunan sana ng pansin ng DepEd ang mga isyung kinakaharap ng mga guro at mag-aaral sa halip na pagbantaan ang mga naghahanap ng pagbabago sa sektor ng edukasyon.   

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 11,867 total views

 11,867 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 30,438 total views

 30,438 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 55,878 total views

 55,878 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 66,679 total views

 66,679 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 5,972 total views

 5,972 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

MISALIGNED

 11,868 total views

 11,868 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 30,439 total views

 30,439 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 55,879 total views

 55,879 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 66,680 total views

 66,680 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 92,327 total views

 92,327 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 101,039 total views

 101,039 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 104,670 total views

 104,670 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 107,226 total views

 107,226 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 109,604 total views

 109,604 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »
1234567