Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

NHCAP, umaasang maipatupad ang plantilla position sa mga hospital Chaplain

SHARE THE TRUTH

 2,433 total views

Umaasa ang National Hospital Chaplaincy Association of the Philippines (NHCAP) na tuluyang maipapatupad sa mga ospital ang plantilla position para sa mga hospital chaplain.

Ayon kay NHCAP Ad Hoc Committee head Fr. Dan Cancino, MI, kabilang ito sa mga hangarin ng grupo upang mabigyan ng benepisyo ang mga hospital chaplain na matagal nang naglilingkod sa mga pampubliko at pribadong ospital sa bansa.

“Ito ‘yung aim natin na sana across all hospitals, lalong lalo na sa government hospitals ay mabigyan talaga ng item ang ating mga chaplains dahil may ibang ospital na mahigit 100 years na ay mahigit 100 years na rin ang presenysa ng ating chaplains,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Batid ni Fr. Cancino na siya ring executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care na sa kasalukyan ay walang opisyal na benepisyo o suporta ang mga chaplains kapalit ng kanilang tungkulin sa mga institusyon.

Gayunman, patuloy na gagampanan ng hospital chaplains ang tungkuling gabayan ang mga may karamdaman, pamilyang nangangalaga, at health care workers tungo sa pagpapalalim ng pananampalataya.

Ito’y upang maipadama ang presensya ng Panginoon na hatid ay kagalingan, pag-asa, at katatagan habang patuloy na nilalakbay at hinaharap ang bawat hamon ng buhay.

“Ang pinakapunto dun ‘yung mag-uumpisa ito sa relasyon natin sa Panginoon. ‘Yung tanong pa rin na, bakit all these years nag-aalaga ka, nagbibisita ka, nakikilakbay ka? Talagang buhay na buhay ‘yung synodality, ‘di ba? Nakikilakbay ka sa mga maysakit, sa mga nag-aalaga. Ang sagot, dahil may relasyon tayo sa Panginoon na patuloy na nakikilakbay, patuloy na nangangalaga. Kung Siya, sino ba naman tayo? At ito ‘yung pinaka-konkretong expression ng ebanghelyo,” ayon kay Fr. Cancino.

Samantala, suportado naman ni Health Undersecretary for Public Health Services Dr. Maria Rosario Vergeire ang panawagan ng mga hospital chaplain hinggil sa plantilla o regular position sa mga ospital.

Tiniyak ni Vergeire na ito’y kanyang isasangguni sa mga opisyal ng DOH upang maisakatuparan at maproseso ng Department of Budget and Management (DBM).

Nilinaw din ng opisyal sa mga hospital chaplains na ito’y magiging mahabang proseso dahil idadagdag ito ng DBM sa pondong ilalaan sa mga ospital.

“Kung ako ang tatanungin, I really support the idea that there should be this plantilla item for a chaplain. Every hospital needs a chaplain. Whatever your religion may be, we need a chaplain who can spiritually support our patients,” pahayag ni Vergeire sa ginanap na 2nd National Hospital Chaplaincy Conference 2023.

Nakasaad sa Laborem Exercens ni Saint John Paul II na karapatan ng bawat manggagawa ang wastong pasahod at benepisyo para sa kanilang kapakinabangan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,467 total views

 14,467 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,135 total views

 23,135 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 31,315 total views

 31,315 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 27,329 total views

 27,329 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 39,380 total views

 39,380 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,269 total views

 9,269 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,546 total views

 10,546 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,957 total views

 15,957 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top