Pangulong Marcos, nagsinungaling sa SONA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,878 total reads

Naniniwala si Rev. Fr. Ben Alforque, MSC – founding member ng Promotion of Church People’s Response (PCPR) na hindi ganap na naibahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tunay na kalagayan ng taumbayan sa kanyang ikalawang pag-uulat sa bayan.

Inihayag ng Pari na hindi ganap na naibahagi ng Pangulo ang tunay na sitwasyon na kinahaharap ng taumbayan kabilang na ang patuloy na pagtaas ng presyo at serbisyo, mataas na unemployement rate, at mababang pasahod sa sektor ng paggawa.

Pinuna din ni Fr. Alforque ang hindi pagtalakay ni Pangulong Marcos sa kalagayan ng karapatang pantao sa bansa at patuloy na nagaganap na kawalang katarungan sa lipunan kabilang na ang patuloy na red-tagging, massacre, abductions at enforced disappearances.

“He did not address the people’s situation: experience of high prices of commodities side-by-side with joblessness and low wages. Nothing was said of justice and human rights violations and people red-tagged, massacred, and killed, jailed as political prisoners, forced to disappear and forced to keep silent.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Alforque.

Ayon sa Pari, maituturing na pagsisinungaling ang hindi pagtalakay at hindi pagsasabi ng tunay na sitwasyon ng bansa lalo na para sa mga mahihirap na dumaranas ng kawalan ng katarungan at umaasa sa pangakong magandang buhay at kasaganahan.

“To the poor he lies by not directly addressing their life, welfare and rights and participation in social construction.” Dagdag pa ni Fr. Alforque.

Dismayado din ang Pari sa hindi pagtalakay ng Pangulo sa patuloy na pagkakakulong ni dating Senador Leila de Lima, ang patuloy na mga kaso ng karahasan dulot ng kampanya laban sa illegal na drogra, ang isasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa War on Drugs sa bansa at ang iba’t ibang mga mapanirang gawain na nakasisira sa kalikasan.

“Junior’s circle, his world do not want to talk of their existence: Leila de Lima’s continuing imprisonment, continuing tokhang victimization, ICC prosecution, destruction of the environment through mining and logging and other extractive forms of exploiting our natural resources. He refused to acknowledge their existence.” Ayon pa kay Fr. Alforque.

Sa datos ng Social Weathers Station sa pagtatapos ng taong 2022, 32% ng mga mamamayan sa Metro Manila ang nagsasabi na sila ay mahirap, 49% naman sa Luzon, 58% sa Visayas at 59% naman sa Mindanao.

Sa pagtataya naman ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa loob lamang ng isang buong taong ng pamamahala ni Pangulong Marcos Jr. ay umaabot na sa 407 ang mga kaso ng human rights violations sa bansa na kinabibilangan ng pagpaslang, illegal arrests, pambobomba, at militarisasyon sa ilang mga probinsya sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 181,076 total reads

 181,076 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 210,056 total reads

 210,056 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 244,177 total reads

 244,177 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 300,581 total reads

 300,581 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 41,063 total reads

 41,063 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top