Tugon sa climate change, panawagan ng SAC ng simbahan sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,993 total views

Nananawagan sa pamahalaan ang mga social action centers ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na gumawa pangmatagalang solusyon sa epekto ng pabago-bagong klima sa bansa.

Ayon kina Fr. Randy Salunga ng Tarlac at Fr. Danilo Martinez ng Nueva Segovia, matagal nang problema ng maraming lugar sa bansa ang biglaang pagtaas ng tubig, gayundin ang mga pagguho ng lupa lalo na tuwing may kalamidad.

“Sana nga po lalo na yung LGU at provincial government din namin na mapag-aralan po yung sitwasyon po na ito na masolusyonan din po itong palagiang pagbaha sa lugar ngayon,” ayon kay Fr. Salunga sa ginanap na telethon.

Nagpapasalamat naman ang mga pari sa mabilis na pagtugon ng simbahan sa pamamagitan ng social action arm ng Archdiocese of Manila ang Caritas Manila.

Ayon sa pari, mabilis nilang natutugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima at nararamdaman ang pagpapahalaga ng simbahan sa kawan sa kabila ng mga pagsubok na dala ng kalamidad.

“Nagpapasalamat din po kami sa Caritas Manila kasi sila ang unang nagbigay sa amin ng tulong. Kami ang unang naka-penetrate sa kanila sinusundan namin yung loader na naglilinis ng daan pumasok kami doon puro debris pero, we tried our best to help the people na in need,” ayon kay Fr. Martinez.

Ayon naman kay Gilda Garcia-program officer ng Caritas Manila Damayan, maaring ipadala ang donasyon cash or in-kind sa tanggapan ng Radio Veritas, Caritas Manila, at mga parokya o sa bank accounts ng Caritas Manila.

Bilang inisyal na tulong, nagpahatid na ng 800-libong piso ang Caritas Manila na paghahatian ng apat na arkidiyosesis at diyosesis na labis na naapektuhan ng bagyong Egay noong nakalipas na linggo. Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), higit 650-libong pamilya o 2.3-milyong katao ang naapektuhan ng bagyo.

Umabot na rin sa 25 ang kabuuang bilang ng mga nasawi, 52 ang nasaktan, habang 20 naman ang nawawala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,170 total views

 47,170 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,039 total views

 43,039 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,241 total views

 79,241 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 87,949 total views

 87,949 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,259 total views

 113,259 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top