Pagpapahinto sa pagmimina sa Eastern Samar, panawagan ng Diocese of Borongan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,728 total views

Umapela sa mga kinauukulan ang Diyosesis ng Borongan upang tugunan ang panawagang ihinto na ang pagmimina sa Eastern Samar.

Ayon kay Borongan Social Action Director Fr. James Abella, umabot sa humigit-kumulang 2,000 katao ang nakibahagi sa ginanap na Jericho Walk Prayer Rally noong Agosto 7 sa pamamagitan ng caravan mula sa iba’t ibang parokya hanggang sa Eastern Samar Provincial Capitol Grounds, at sinundan ng paglalakad patungo sa Cathedral Parish of the Nativity of Our Lady o Borongan Cathedral.

Pinangunahan ito ni Bishop Crispin Varquez kasama ang iba’t ibang makakalikasang grupo bilang sama-samang pagkilos para sa pangangalaga sa mga likas na yaman ng lalawigan lalo na sa Homonhon at Manicani Island.

“We are appealing especially to our government leaders, both from local and national, especially din ‘yung departments na nangangasiwa dito sa pagmimina… na sana tingnan nila ‘yang sitwasyon sa Homonhon at kung pwede ma-stop na ‘yung pagmimina dun.” pahayag ni Fr. Abella sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy naman ni Fr. Abella ang Department of Environment and Natural Resources, Mines and Geosciences Bureau, at Environmental Management Bureau na higit na pagtuunan ang pagpapahinto sa mapaminsalang hangarin ng pag-unlad.

Pagbabahagi ng pari na kasalukuyang nasa ilalim ng moratorium ang Manicani Island, habang nagpapatuloy naman ang operasyon ng apat na mining company sa Homonhon Island, ito ang Tech Iron Resources, Inc., Emir Mineral Resources Corp., King Resources Mining Corp., at Global Min-met Resources, Inc.

“Sa ngayon, ang nakikita naming grabe ang mining ay sa Homonhon kasi sa Manicani, naka-moratorium pa. Parang nangangambang mag-open ulit for another 15 years. Pero sa Homonhon, mayroon talagang apat na mining companies na sabay-sabay na nagmimina. It’s very alarming kasi malapit na siya sa barangay tapos malapit na rin siya sa mga eskwelehan ‘yung mining pits.” saad ni Fr. Abella.

Una nang kinondena ni Bishop Varquez ang pagpapatuloy ng pagmimina sa Homonhon at Manicani Island sa Guiuan, Eastern Samar dahil sa pinsalang dulot nito sa kalikasan at buhay ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 27,339 total views

 27,339 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 60,421 total views

 60,421 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 88,772 total views

 88,772 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 156,503 total views

 156,503 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 177,709 total views

 177,709 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top