Ika-40 taong anibersaryo ng pagpaslang kay Ninoy, alalahanin ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,043 total reads

Inaanyayahan ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mananampalataya na makiisa sa paggunita ng ika – 40 taong anibersaryo ng pagpaslang kay dating Senator Benigno Ninoy Aquino sa August 21, 2023.

Ayon sa arsobispo, ang pagpaslang sa dating mambabatas ang binhi ng mapayapang 1986 EDSA People Power revolution na naging daan upang makamit ng bansa ang kasarinlan mula sa diktadurang pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Isang misa ang isasagawa sa Santo Domingo Church sa Quezon City ganap na alas 10 ng umaga na pangungunahan ni Archbishop Villegas.

“Your attendance will be an opportunity for us to stand up for the truth of history and renew our commitment to be heroic Filipinos for our times. Let us be heroes together.” pahayag ni Archbishop Villegas.

Sa kasaysayan, August 21, 1983 nang barilin si Aquino ni Rolando Galman sa tarmac ng dating Manila International Airport nang lumabas ito sa eroplano.
Agad ding napaslang si Galman ng mga kawani ng Aviation Security Command at 25 militar officer ang inaresto kabilang na si dating Armed Forces Chief of Staff General Fabian Ver.

September 28, 1990 nang mahatulan ng reclusion perpetua ang 16 na akusado habang pinagtibay naman ng Korte Suprema ang desisyon noong 1991.

Apat na dekada makaraang mapaslang si Aquino ay patuloy na tinatamasa ng bansa ang demokrasyang bunga ng pakikibaka ng mga Pilipino subalit muli itong nahaharap sa iba’t ibang suliraning panlipunan kabilang na ang human rights violation at malawakang korapsyon sa pamahalaan.

Gayundin ang laganap na fake news at misinformation lalo na ang historical revisionism kung saan pilit binabago ng iilang indibidwal ang kasaysayan para sa pansariling kapakinabangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 119,568 total reads

 119,568 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 195,367 total reads

 195,367 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 228,815 total reads

 228,815 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 264,114 total reads

 264,114 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 485,936 total reads

 485,936 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top