Caritas Manila, nakiisa sa World Humanitarian day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,239 total views

Nakikiisa ang social arm ng Archdiocese of Manila sa pagdiriwang ng World Humanitarian Day.

Ayon kay Caritas Manila executive director Fr. Anton CT Pascual, ang pagkakawanggawa ay paraan ng pagtulong sa kapwa upang maibsan ang mga pasanin bunsod ng iba’t ibang krisis sa lipunan.

Sinabi ni Fr. Pascual na ang pagtulong sa mga higit na nangangailangan ay pagpapakita ng pagmamahal katulad ng ginawa ni Kristo upang maipadama ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

“Tayo ay nakikiisa bilang mga kristiyano sapagkat naniniwala tayo na ang christian humanism ay napakaganda dahil ang Diyos ay nagkatawang tao. Pinapahalagahan ng Diyos sa katauhan ni Kristo ang tao—itinaas ang dignidad ng tao. Kaya dapat tayo, tulad ni Kristo ay nagmamahal sa bawat isa, ginagalang natin ang kapwa tao sa pamamagitan ng pagpapalago at pakikiisa sa pag-unlad ng buhay ng tao sa espiritwal at materyal na aspeto,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Sa loob ng 70 taon, patuloy na ginagampanan ng Caritas Manila ang pagtugon sa pangangailangan lalo ng mga mahihirap na pamayanan, sa anumang paraan, upang muling madama ang pag-asa sa kabila ng mga pagsubok ng buhay.

Tuwing Agosto 19 ay taunang ipinagdiriwang ang World Humanitarian Day na inilunsad ng United Nations upang paigtingin ang kamalayan hinggil sa patuloy na pagtulong at paglilingkod sa mga pamayanang apektado ng mga suliranin sa buong mundo.

Tema ng WHD 2023 ang #NoMatterWhat na layong ipabatid ang gampanin ng bawat isa na bagamat mahirap at mapanganib ang pagkakawanggawa ay hindi ito dahilan ng pagsuko bagkus, patuloy na gampanan ang pangakong malampasan ang mga hamon at maghatid ng tulong sa mga higit na nangangailangan, ano man ang mangyari.

Kasabay nito’y ginugunita rin ngayong taon ang ika-20 anibersaryo ng pag-atake sa UN Headquarters sa Baghdad, Iraq na kumitil sa buhay ng 22 humanitarian aid workers, kabilang si UN Special Representative of the Secretary-General for Iraq, Sergio Vieira de Mello.

Nasasaad sa katuruan ng simbahan na ang bawat isa’y tinawag sa mga gawaing nagpapakita ng kabayanihan tulad ng pagtulong sa kapwa, kung saan makakamit din ang kabanalan ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,871 total views

 62,871 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,740 total views

 58,740 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,942 total views

 94,942 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,103 total views

 103,103 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,177 total views

 127,177 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top