Isabuhay ang aral sa pagpaslang kay NINOY, hamon ng Pari sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,713 total reads

Maraming aral na dapat na matutunan ang mga kabataan sa pagkakapaslang kay dating Senator Benigno ‘Ninoy’ Aquino.

Ito ang binigyang diin ni Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm. kaugnay sa ika-40 anibersaryo ng pagkakapaslang kay Ninoy Aquino.

Ayon sa Pari, si Ninoy ang naging simbolo ng oposiyon noong panahon ng Batas Militar sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na mariing nanindigan para sa demokrasya ng bansa.

Paliwanag ni Fr. Buenafe, kabilang sa mga aral na dapat na maunawaan at isulong ng mga kabataan hanggang sa kasalukuyang panahon ay paninindigan para sa dignidad at karapatang pantao ng bawat isa gayundin ang paglaban sa anumang uri ng pang-aapi, paniniil o panggigipit sa lipunan.

Giit ng Pari, hindi dapat na kalimutan ng sambayanang Pilipino ang mga nangyari sa nakaraan na bahagi na ng kasaysayan ng bansa at maaring magsilbing gabay para sa hinaharap.

“Kung aral lang ang daming aral ang dapat nating matutunan na sa isang demokrasya, walang puwang yung pang-aapi, panggigipit, pagpatay, yung pag-violate ng mga iba’t ibang forms ng human rights natin, yung tinatawag na human rights violations. Yun nga ngayon nakakalungkot kasi madaling makalimutan ng Pilipino people, ng sambayanang Pilipino kung ano ang nangyari sa nakaraan… So never again sa tinatawag natin na Tyranny o dictatorship kaya Ninoy Aquino was the symbol of opposition at that time who challenge the Marcos (Sr.) government.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Buenafe sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ng Pari ang paggunita ng ika-40 anibersaryo ng pagkakapaslang kay Ninoy Aquino ay isang paalala at patuloy na hamon sa bawat isa upang patuloy na isabuhay ang panininndigan sa mga karapatang pantao at kasarinlan ng bansa.

Ayon kay Fr. Buenafe, dapat na matuto ang mga Pilipino sa mga aral ng kasaysayan upang hindi na muling maulit pa ang mga sistemang kinundina at kinalaban ni Ninoy Aquino apatnapung taon na ang nakakalipas.

“We don’t only remember but this should reminds us of our rights and wisdom na dapat nating ipaglaban at nakakalungkot na parang kontento na at parang naging passive na ang sambayanang Pilipino, kaya gusto nating isabuhay uli kung ano yung pinaglalaban ni Ninoy Aquino at that time na hanggang ngayon ang sistema ay ganun pa din at parang bumalik tayo sa parang hindi tayo natuto, maraming aral na mapupulot natin.” Dagdag pa ni Fr. Buenafe.

Apat na dekada na ang nakalipas, noong 1983, nang barilin sa ulo si Ninoy habang bumababa ng eroplano sa tarmac ng noo’y Manila International Airport kasama ang mga sundalong magdadala sa kanya sa bilangguan, kilalá si Ninoy na matapang na kritiko ni Marcos na dinakip sa araw na isinailalim ang Pilipinas sa batas militar at walong taóng ibinilanggo.

Ang pagkakapatay kay Ninoy noong 1983 ang naging ningas ng paninindigan ng mga Pilipino laban sa rehimen ni Marcos Sr. hanggang sa maganap ang mapayapang People Power Revolution noong 1986.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 176,297 total reads

 176,297 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 205,608 total reads

 205,608 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 239,733 total reads

 239,733 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 296,137 total reads

 296,137 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 40,614 total reads

 40,614 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top