Mananampalataya, hinikayat na isabuhay ang aral ni Saint Mother Teresa of Calcutta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,133 total reads

Isabuhay ang pagkalinga sa mga mahihirap at pinaka nangangailangan sa lipunan katulad ng pagmamahal sa kanila ni Saint Mother Teresa of Calcutta.

Ito ang mensahe ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, Vice-president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paggunita ng kapistahan ng banal.

Ayon sa Obispo, nawa katulad ni Saint Teresa ay mapaigting ng mananampalataya ang pagmimisyon na maitaas ang kalidad at antas ng pamumuhay ng kapwa.

“Love and service to the poor, kaya maganda ding bigyang diin ito siyempre kung mayroon tayong constant consistent prayer like dapat nagfo-flow ito sa ating love of favor, service the least, the last and the lost,” ayon kay Bishop Vergara sa panayam ng Radio Veritas.

Nawa ay gamitin huwaran ng mamamayan ang patuloy na pagbabahagi ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa naging buhay ni Saint Mother Teresa of Calcutta na bukod sa pagtulong sa kapwa ay nagkaroon rin ng malalim na pagdedebosyon at pananalangin sa Panginoon.

Ngayong araw (September 05) bilang paggunita sa Feast Day ni Saint Mother Teresa of Calcutta, pinangunahan ni Bishop Vergara ang misa sa St.Mother Teresa Of Calcutta Parish sa Biñan Laguna kung saan idaraos din ang pagbabasbas sa bagong retablo ng parokya.

Taong 2003 ng biyetapikahan si Mother Teresa at naging ganap na santo noong 2016; Taong 1950 ng itatag ni Saint Mother Teresa ang Missionaries of Charity na kasalukuyang pinamamahalaan ng mahigit sa 4,000 madre sa ibat-ibang bansa.

Noong nabubuhay pa ay kilala ang Santo bilang “The Living Saint” dahil sa kaniyang pagkalinga sa mga may sakit lalo na sa mahihirap na bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 172,635 total reads

 172,635 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 202,317 total reads

 202,317 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 236,440 total reads

 236,440 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 292,846 total reads

 292,846 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top