Initial report ng CHR hinggil sa DUI, ilalabas sa Enero

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,088 total reads

Ilalabas na ng Commission on Human Rights ang kanilang paunang imbestigasyon hinggil sa nagaganap na extrajudicial killings (EJKs) o death under investigation (DUI) kasabay ng kampanya ng gobyerno laban sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, laman ng kanilang report ang naganap na DUI sa loob ng unang anim na buwan na pamumuno ng Pangulong Rodrigo Duterte kung saan naganap ang mga pagpatay.

“Sa panahon po na ito, nagsasagawa pa lang kami ng mga imbestigasyon at inaasahan po namin sa Enero maari na kaming magbigay ng paunang pahayag or report sa naganap sa 6 month campaign against drugs ng (gobyerno) hopefully doon natin mabibigyang kasagutan ang ilang katanungan na nasa isip natin, it will be a 6-month preliminary report,” pahayag ni Atty. De Guia sa panayam ng Radio Veritas.

Aminado ang CHR na labis na rin silang nababahala sa lumalaking bilang ng kaso ng mga pagpatay na hindi alam kung sino ang nasa likod nito kaya’t masigasig at masusi ang kanilang imbestigasyon para sa agarang ikalulutas nito.

“Dahil tumataas ang bilang ng reported killings sa bansa, ito ay nakababahala na kailangan natin tingnan ang sitwasyon. Yung EJK na hindi natin matukoy kung sino mga nasa likod nito, ang amin ay para tingnan at alamin ano ang motibo at sino ang nasa likod kung sila ba ay mga nasa kapangyarihan at tinitingnan natin kung may ginagawang imbestigasyon ang kapulisan dahilan ang mga pagpatay ay isang krimen at hindi natin binabalewa ang karapatan sa buhay,” ayon pa sa CHR spokesperson.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), nasa 2,124 na pinaghihinalaang users at pushers ang napatay mula Hulyo 1 hanggang Disyembre 18 ng taon habang nasa 3,993 ang kaso ng death under investigation.

Mariing iminungkahi ng mga obispo ng Simbahan sa pamahalaan na lutasin ang problema ng bansa sa ilegal na droga sa pamamagitan ng legal na pamamaraan, pagsasaalang sa tama, makatwiran at makatarungang pamamaraan na may paggalang sa buhay at karapatan ng bawat isa.
http://www.veritas846.ph/panalangin-alay-ng-chr-sa-bagong-administrasyon/

UNDAS 2026, generally peaceful

 33,974 total reads

 33,974 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 10,509 total reads

 10,509 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 59,441 total reads

 59,441 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 109,192 total reads

 109,192 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 268,390 total reads

 268,390 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 295,102 total reads

 295,102 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 326,949 total reads

 326,949 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 433,036 total reads

 433,036 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top