Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Transparency sa paggamit ng kabang bayan, hiling ng Obispo sa government officials

SHARE THE TRUTH

 7,324 total views

Kinakailangan na maging tapat ang mga sangay ng pamahalaan sa paggamit ng pondo ng bayan.

Ito ang mensahe ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa kontrobersyal na usapin ng confidential funds sa 2024 National Budget partikular na sa tanggapan ng pangalawang pangulo at Kagawaran ng Edukasyon na parehong pinangangasiwaan ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Obispo, kinakailangan ang katapatan at magbigay ng mga paliwanag kung paano ginagamit ang pondo ng bayan upang maiwasan ang anumang pagdududa at kontrobersiya ng katiwalian sa kaban ng bayan.

“Ang kailangang ipaliwanag na mabuti ay para saan gagamitin ang confidential funds at bakit napakalaki ang confidential funds ng OVP at Department of Education. Ang ayaw magbigay ng paliwanag at magbigay ng accounting kung saan ito ginagamit ay baka may itinatagong pagnanakaw.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Bacani na pagod at sawa na ang taumbayan sa patuloy na katiwalian sa pamahalaan na bunga ng kakulangan ng ‘transparency’ sa paggamit ng kaban ng bayan kayat napapanahon nang maging tapat ang mga opisyal at sangay ng pamahalaan.

Pinayuhan ng Obispo na maging responsable ang mga opisyal ng iba’t ibang sanggay ng pamahalaan sa paggastos sa kaban ng bayan na nagmula sa buwis ng bawat mamamayan na dumaranas ng kahirapan.

“Dala na ang bayan sa corruption na buhat sa kakulangan ng transparency. Wala na ngang pera ang nakararami sa mamamayan palaki naman ng palaki ang gastos ng mga sangay ng pamahalaan. Mahiya naman ang hingi ng hingi ng gagastusin samantalang pahirap ng pahirap ang buhay.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Naunang binigyang diin ni Vice President Sara Duterte na “kung sino man ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan. Kung sino ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan.”

Patuloy na ipinaalala ng Simbahan na mahalaga ang katapatan ng mga opisyal ng bayan sapagkat karapatan ng mamamayan na malaman ang katotohanan kung saan at paano ginagamit ang pondo ng bayan na dapat sana ay para sa mga programa at serbisyo para sa taumbayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 19,647 total views

 19,647 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 27,747 total views

 27,747 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 45,714 total views

 45,714 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 74,857 total views

 74,857 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 95,434 total views

 95,434 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 641 total views

 641 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,461 total views

 1,461 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,923 total views

 6,923 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top