Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kumokunsinti ng katiwalian sa pamahalaan, kalaban ng bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,758 total views

Naniniwala ang ecumenical youth group na Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) na ang mga nagpapahintulot sa patuloy na pag-iral ng katiwalian sa pamahalaan ang kumokontra sa pagkakaroon ng kapayapaan sa bansa.

Ito ang tugon ni SCMP National Vice Chairperson Josh Valentin kaugnay sa tinuran ni Vice President Sara Duterte sa kontrobersyal na confidential funds sa 2024 National budget na “Kung sinuman ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan. Kung sino ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan.”

Ayon kay Valentin, ang kapayapaan ay nakaugat din sa pagkakaroon ng patas ng hatian o distribusyon ng yaman lalong-lalo na para sa mga mahihirap na nangangailangan.

Ipinaliwanag ni Valentin na sa halip na paglaanan ng pondo ng bayan ang mga confidential funds ng iba’t ibang sanggay ng pamahalaan ay mas dapat na iprayoridad ang pagkakaloob ng mga programa at serbisyong pampubliko lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa merkado.

“Christian youth believe that peace is built on the just distribution of this world’s goods. In a time of rising price of commodities and rising inflation rate, the amount of confidential funds should not rise and should be distributed to provide social services to marginalized Filipinos. Whoever allows a culture of corruption that enables confidential funds to reign over the government is the one who is really opposing peace,” Ang bahagi ng pahayag ni SCMP National Vice Chairperson Josh Valentin.

Nananawagan naman ang ecumenical youth group sa bawat isa upang ipanalangin ang pagiging matapat, responsable at mabuting lingkod bayan ng bawat opisyal ng pamahalaan.

Binigyang diin rin ng Student Christian Movement of the Philippines ang kahalagahan ng pagiging mapagbantay ng bawat isa upang maisulong ang katapatan partikular na ang ‘transparency’ sa paggamit ng mga opisyal at sanggay ng pamahalaan sa kaban ng bayan.

“As Christians who believe in the values of humility and simplicity, we pray that our government officials may display these values and reject not just their extravagant lifestyles as their constituents continue to live in poverty. We continue to pray that they do not serve as a vessel of corruption, as well as act on our faith that moves us to become defenders of transparency by advocating for the abolishment of confidential funds,” Dagdag pa ni Valentin.

Ayon kay Saint Pope John Paul II sa kanyang mensahe sa mga miyembro ng Centesimus Annus – Pro Pontifice noong 1998, kung seryoso ang pamahalaan sa pagtugon sa kapakanan at kabutihan ng lahat ay kailangan gamitin ng mga ito ang bawat oportunidad upang magkaroon ng tamang distribusyon ng yaman lalong-lalo na para sa mga mahihirap na sa matagal na panahon ay napag-iiwanan ng pag-unlad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 8,550 total views

 8,550 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 54,273 total views

 54,273 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 56,483 total views

 56,483 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 129,712 total views

 129,712 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 141,896 total views

 141,896 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top