Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

86-Diyosesis, makikiisa sa “One Million Children praying the rosary

SHARE THE TRUTH

 5,851 total views

I-aalay ng Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) sa pagkakaroon ng ganap na pagkakaisa at kapayapaan ang intensyon ng taunang One Million Children Praying the Rosary Campaign ngayong taon.

Nakatakda ang pandaigdigang gawain ng sabay-sabay na pananalangin ng Santo Rosaryo ng mga kabataan sa ika-18 ng Oktubre, 2023 kung saan inaasahan ang pakikiisa ng 86 na mga diyosesis sa Pilipinas.

Makalipas ang tatlong taon mula ng maganap ang COVID-19 pandemic noong 2020 ay muli ng isasagawa ang One Million Children Praying the Rosary campaign ng face-to-face ngayong taon.

Isagawa ang One Million Children Praying the Rosary campaign sa Immaculate Conception Cathedral ng Diocese of Pasig kung saan inaasahan ang pangunguna sa gawain ng mga mag-aaral mula sa Pasig Catholic College.

The Philippine celebration of One Million Children Praying the Rosary will be held face-to-face! Join us on October 18 at 9 o’clock in the morning as we hold the main event at the Immaculate Conception Cathedral of the Roman Catholic Diocese of Pasig. We will be joined by the students of Pasig Catholic College.” paanyaya ng ACN Philippines.

Layunin ng Worldwide Prayer Event na isulong ang pagkakaisa at kapayapaan sa pamamagitan ng sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hango ang pandaigdigang pagdarasal ng pontifical foundation ng Vatican sa mga pahayag ni Saint Padre Pio na “When one million children pray the rosary, the world will change.”

Inilunsad ang One Million Children Praying the Rosary campaign sa Caracas, Venezuela noong taong 2005 kung saan umaabot na sa mahigit 80-bansa ang taunang nakikibahagi sa malawakang pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo kabilang na ang Pilipinas nang inilunsad ang gawain sa bansa noong taong 2016.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 16,954 total views

 16,954 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 25,054 total views

 25,054 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 43,021 total views

 43,021 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 72,193 total views

 72,193 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 92,770 total views

 92,770 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 435 total views

 435 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,255 total views

 1,255 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,729 total views

 6,729 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top