Diocese of Pasig, pinasalamatan ng ACN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,169 total views

Pinasalamatan ng sanggay ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang Diyosesis ng Pasig sa pagsisilbi nitong host sa One Million Children Praying the Rosary campaign na muling isinagawa ng face-to-face makalipas ang tatlong taon.

Ayon kay ACN-Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, mahalaga ang pakikipagtulungan ng diyosesis upang higit na maipalaganap ang kaalaman sa kalagayan ng mga Kristiyanong inuusig sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na mahalaga ang sama-samang pananalangin ng bawat isa para sa kapakanan ng lahat ng mga Kristiyano at Simbahang inuusig sa buong daigdig.

“Maraming salamat sa inyong pakikipagtulungan para sa Aid to the Church in Need sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mga naghihirap na mga kapatid nating Kristiyano na naniniwala kay Kristo. Manalangin po tayo, magtulungan po tayo, ipalaganap natin ang ACN sa ating mga kapatid. Diocese of Pasig, I am very proud of you, I am very grateful for all that you do, biyaya kayo ng Diyos hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Simbahan.” Ang bahagi ng mensahe ni Archbishop Villegas.

Isinagawa ang One Million Children Praying the Rosary campaign sa Immaculate Conception Cathedral ng Diocese of Pasig noong ika-18 ng Oktubre, 2023 ganap na alas-nuebe ng umaga kung saan pinangunahan ang gawain ng mga mag-aaral mula sa Pasig Catholic College at mga seminarista ng Our Lady of Guadalupe Minor Seminary.

Kabataan, sama-samang nagdasal ng santo rosary para sa kapayapaan

Sa tala ng Aid to the Church in Need, umabot ng 871,523 ang bilang ng mga kabataang nakabahagi sa pagsasagawa ng One Million Children Praying the Rosary Campaign noong nakalipas na taong 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 22,512 total views

 22,512 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 31,876 total views

 31,876 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 58,332 total views

 58,332 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 108,198 total views

 108,198 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 111,997 total views

 111,997 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top