Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

AKAP Ka, nanawagan sa pmahalaan na ihinto ang reclamation sa Manila bay

SHARE THE TRUTH

 4,784 total views

Patuloy na pinaiigting ng mamamayan ang panawagan sa pamahalaan upang tuluyan nang ihinto ang reklamasyon sa Manila Bay.

Sa ginanap na “Save Our Sunset, Save Manila Bay: Human Chain against Manila Bay Reclamation” nitong October 18, 2023, nagkapit-bisig sa Manila Baywalk sa kahabaan ng Roxas Boulevard ang mga makakalikasang grupo at civil society organizations upang ipahayag ang mariing pagtutol at manawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na maglabas ng suspension order para sa Manila Bay reclamation project.

Kabilang sa mga nakilahok sa gawain sina Jhed Tamano at Jonila Castro na pawang mga community volunteer mula sa Alyansa ng mga Mamamayan para sa Pagtatanggol sa Kabuhayan, Paninirahan at Kalikasan ng Manila Bay (AKAP Ka Manila Bay).

Ayon kay Castro, dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang ihayag ni Pangulong Marcos ang pagpapahinto sa lahat ng reklamasyon sa Manila Bay ngunit magpahanggang ngayon ay wala pa ring konkretong tugon ang pamahalaan tungkol dito.

“No actual legislation or clear legal guidelines have come about, and coastal communities across the bay area and beyond are still in jeopardy,” pahayag ni Castro.

Ibinahagi naman ni Tamano na nagpapatuloy pa rin sa ilang lugar ang pagbabanta sa mga tumututol sa reklamasyon kapalit ng katahimikan.

Iginiit nito na hindi matitinag ang paninindigan ng mamamayan upang mapigilan ang mga mapaminsalang gawain na nakakaapekto sa karagatan lalo na mga pamayanang ang hanapbuhay ay pangingisda.

“State-sponsored violence in coastal areas is often aimed to silence communities and people who dare to oppose reclamation projects, standing up against the ecological and community threats they pose,” ayon kay Tamano.

Magugunita noong Setyembre 2, 2023 nang dakpin ng mga armadong kalalakihan sina Tamano at Castro sa Orion, Bataan habang nagsasagawa ng konsultasyon sa mga mangingisdang apektado ng reklamasyon, at muling lumabas at humarap sa publiko noong Setyembre 19 sa pamamagitan ng press conference.

Samantala, maliban sa Metro Manila, apektado rin ng reklamasyon sa Manila Bay ang mga coastal area at community sa lalawigan ng Cavite, Bulacan, at Bataan.

Batay sa tala ng Department of Environment and Natural Resources, nasa 22 Manila Bay reclamation projects ang mayroong pahintulot na makapagsagawa ng operasyon, kung saan 15 rito ang nasa bahagi ng Metro Manila.

Sa Laudate Deum ng Kanyang Kabanalan Francisco, inihayag nito ang higit pang pagpapaigting ng magkatuwang na pagkilos at pagtugon ng mamamayan at pamahalaan upang mapangalagaan ang nag-iisang tahanan para sa kapakinabangan ng mga susunod pang henerasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 23,042 total views

 23,042 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 31,142 total views

 31,142 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 49,109 total views

 49,109 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 78,193 total views

 78,193 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 98,770 total views

 98,770 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,798 total views

 8,798 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,083 total views

 10,083 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,488 total views

 15,488 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top