Epekto ng Manila bay reclamation, pinangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,758 total reads

Nangangamba ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa magiging epekto sakaling hindi tuluyang mahinto ang Manila Bay Reclamation Project.

Ayon kay PAMALAKAYA national chairperson Fernando “Ka Pando” Hicap, lubos nang apektado ang mga maliliit na mangingisdang nakatira sa paligid ng Manila Bay dahil sa patuloy na pagtatambak ng lupa sa dagat.

Sinabi ni Hicap nanganganib na tuluyang mawalan ng hanapbuhay ang mga mangingisda dahil sa kawalan ng nahuhuling isda, gayundin ang pangambang paalisin sa kanilang mga tahanan upang mabigyang daan ang mapaminsalang proyekto.

“More than just looking at the numbers, these are actual productive marine and aquatic ecosystems that will be destroyed by reclamation activities. Fisherfolk stand to lose up to 90 percent of their incomes and thousands will be displaced from coastal areas for these projects,” pahayag ni Hicap.

Sa tala ng Department of Environment and Natural Resources, 22 reclamation projects ang mayroong pahintulot sa Manila bay, kung saan 15 rito ang nasa bahagi ng Metro Manila habang ang nalalabing proyekto ay nasa karagatang bahagi naman ng Cavite, Bulacan at Bataan.

Una nang iniulat ng PAMALAKAYA na 300 pamilyang mangingisda ang nawalan ng tahanan dahil sa pagtatambak ng lupa sa karagatan sa bahagi ng Bacoor City, Cavite.

Iba pa ito sa mga apektadong coastal community dulot ng San Nicolas Shoal Seabed Quarrying Project sa baybayin ng Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, at Ternate na pawang mga bayan din ng Cavite.

Patuloy namang panawagan ng iba’t ibang makakalikasang grupo at human rights organization na higit na pagtibayin ang suspension order ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pamamagitan ng executive order na tuluyang magpapahinto sa lahat ng reclamation activity sa Manila Bay.

Nakasaad sa Laudato Si’ ni Santo Papa Francisco na magkaugnay na tungkulin ng bawat isa ang pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon upang masaksihan ang kagandahan ng nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salat sa malasakit

 29,202 total reads

 29,202 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 130,467 total reads

 130,467 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 200,642 total reads

 200,642 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 287,139 total reads

 287,139 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 328,020 total reads

 328,020 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 197,816 total reads

 197,816 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top