Diocese of Virac, shelter rehab ang focus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 440 total reads

Isusumite na ngayong araw ng Diocese of Virac sa Catanduanes sa mga charity group ng Simbahan ang data na nakalap sa kanilang assessment sa mga nasira ng Bagyong Nina sa mga lugar na nasasakupan nito.

Ayon kay Rev. Fr. Renato dela Rosa, social action center director ng diocese, ito ay upang maibahagi na ang mga tulong na ibibigay ng ibat-ibang grupo para sa rehabilitasyon ng mga nasira ng bagyo.

Dagdag ni Fr. Dela Rosa, sa kanilang assessment nasa mahigit 4,000 mga bahay ang nasira ng Bagyong Nina sa anim na bayan ng San Andres, San Miguel, Virac, Bato, Gigmoto at Caramoran sa Catanduanes.

Pahayag ng pari, focus ang Simbahan sa rehabilitasyon sa mga nasira ng pinakahuling bagyo ng 2016 gaya ng pagbibigay ng materyales sa pagpapagawa ng mga bahay na nasira.

Ayon kay Fr. Dela Rosa, ito ay dahil dagsa naman ang relief distribution sa mga naapektuhan ng kalamidad mula sa ibat-ibang institusyon kabilang na ang Simbahan.

“Nasa mahigit 4,000 bahay ang nasira ng bagyo sa anim na bayan sa Catanduanes, so patuloy ang assessment and baka now ma-isubmit na naming ngayong araw ang result…sa relief goods, di na kami gaano nga focus dahil dagsa naman ang mga tulong kaya ang intervention ng lokal na Simbahan ng Diocese of Virac ay sa shelter rehabilitation ng mga nasalanta ng bagyo.

Kaugnay nito, bagamat nagpadala na ng pinansyal na tulong ang Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng Caritas Manila sa mga biktima ng bagyo, hindi pa rin ito natatanggap dahil sira pa rin ang mga pasilidad sa mga bangko sa Diocese of Virac.

“So far hindi pa namin na check ang bangko dito, sira sira kasi ang pasilidad ng mga bangko maliban pa sa walang kuryente at holiday ng ilang araw,” pahayag ni Fr. Dela Rosa.

Una ng tumugon ang Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng Caritas Manila sa apelang tulong ng Archdiocese of Nueva Caceres, Diocese of Legazpi at Diocese of Virac na matinding napinsala sa pananalasa ng bagyong Nina kung saan sa Virac P500,000 ang ibinahaging halaga ng tulong.

UNDAS 2026, generally peaceful

 27,773 total reads

 27,773 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 49,461 total reads

 49,461 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 99,213 total reads

 99,213 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 258,407 total reads

 258,407 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 285,567 total reads

 285,567 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 317,719 total reads

 317,719 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 326,606 total reads

 326,606 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 432,693 total reads

 432,693 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top