Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paglaganap ng child labor, pipigilan ng DOLE

SHARE THE TRUTH

 4,596 total views

Tiniyak ng Department of Labor and Employment ang pagpigil sa child labor o sapilitang pagtatrabaho ng mga bata.

Ayon kay DOLE Undersecretary for Workers’ Welfare and Protection Cluster – Benjo Santos Benavidez, ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa National Council Against Child Labor (NCACL), local government units at iba pang ahensya na tumutugon sa suliranin ng child labor.

“Naniniwala ang DOLE na ang mga bata ay nasa paaralan at wala sa lansangan at mga pagawaan, dapat po sila ay malaya, hindi mga manggagawa,” ayon sa mensaheng ipinadala ng DOLE sa Radio Veritas.

Ang mensahe rin ay kaugnay sa paggunita ng ika-apat na anibersaryo ng pagkakatatag sa NACL kung saan idinaos sa Quezon City Hall Risen Garden ang paggagawad ng tulong sa may 100-magulang at kanilang mga anak na napatunayang biktima ng child labor.

Ayon sa Opisyal, ang inisyatibo ay upang mabigyan ng pagkakataon ang magulang na suportahan ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng mga DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

“Umaasa ako na hindi dito magtatapos ang ating kampanya laban sa child labor. Sana ay naging paalala ito sa lahat ng participants, members and partners of the NCACL, LGU, parents and guardians at sa inyong mga bata tungkol sa mga programa na inilaan para sa inyo,” ayon naman sa mensahe ni Dominique Rubia-Tutay – DOLE Assistant Secretary for Workers’ Welfare and Protection Cluster na ipinadala ng kagawaran sa Radio Veritas.

Una ng kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office on the Protection of Minors (CBCP-OPM) ang inisyatibo ng DOLE at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuluyang maiwaksi ang child labor sa lipunan.

Ito ay sa paglulunsad ng Mahalin at Kalingain ating mga Bata o Makabata Hotline upang isulong ang paglaban sa Child Labor kung saan maaring matawagan o makipag-ugnayan ang mga mamamayan sa mga numero bilang 0-9-6-0-3-7-7-9-8-6-3, 0-9-1-5-8-0-2-2-3-7-5 at email address na [email protected] upang isumbong ang mga makikitang pang-aabuso o child labor sa mga bata.

Sa datos ng Philippines Statistics Authority noong 2021, umabot sa 31.47-million ang bilang ng mga nagtatrabahong kabataang nasa edad lima hanggang labing-pitong taong gulang.

Habang noong 2022 ay naitala ng Council for the Welfare of Children na umabot sa siyam na libo ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso sa kabataan sa buong Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 16,669 total views

 16,669 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 25,337 total views

 25,337 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 33,517 total views

 33,517 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 29,504 total views

 29,504 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 41,555 total views

 41,555 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 9,465 total views

 9,465 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,976 total views

 7,976 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top