Karahasan ng China sa WPS, kinundena ng Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,809 total reads

Nagkaisa ang mga mambabatas na kundenahin ang China sa panibagong karahasan laban sa security forces ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri lubhang mapanganib ang ginawang panggigipit ng China sa mga barko ng Philippine Coast Guard na nagsasagawa ng Rotation and Resupply (RORE) mission sa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal.

“I am one with peace-loving Filipinos in strongly condemning this latest abhorrent action of the China Coast Guard and Chinese maritime militia that put in danger the lives of our brave countrymen who were on a routine resupply mission to our troops in Ayungin Shoal,” pahayag ni Zubiri.

Ayon sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea alas 6:04 ng umaga nitong October 22 nang haranganin ng barko ng Chinese Coast Guard ang MRRV 4409 ship ng PCG dahilan upang mabangga ito.

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros, walang karapatan ang China na itaboy ang barkong Pilipino sa nasabing lugar dahil malinaw sa arbitral ruling na ito ay nakapaloob sa teritoryo ng Pilipinas kaya’t apela nito sa mamamayan at mga lider ng bansa na magkaisang manindigan laban sa pang-aabuso ng China at igiit ang karapatan sa WPS.

“I call on the international community to join the Philippines’ condemnation of China’s most recent violence against the Filipino people. Our nations should not stop fighting for the rule of law. It is the only way to have a chance at true peace and stability across the region and the world,” giit ni Hontiveros.

Sinabi naman ni Senator Francis Tolentino na dapat magsagawa ng masusing imbestigasyon sa patuloy na pagbalewala ng China sa international laws lalo na sa ilalim ng International Convention for the Safety of Life at Sea (SOLAS) at ang Code for Investigation of Marine Casualties and Incidents ng International Maritime Organization.

Umaapela din si Zubiri sa Chinese Coast Guard na igalang ang dignidad ng buhay gayundin ang mga umiiral na batas na nakapaloob sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at iba pang international law hinggil sa maritime travel.

Muling panawagan ng mambabatas na taasan ang pondong ilalaan sa PCG at Armed Forces of the Philippines upang mapaigting ang kanilang pagbabantay sa exclusive economic zone ng bansa laban sa pananakop ng mga dayuhan tulad ng ginagawa ng China.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 26,962 total reads

 26,962 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 113,456 total reads

 113,456 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 160,195 total reads

 160,195 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 208,067 total reads

 208,067 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 310,681 total reads

 310,681 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top