Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PPCRV, nagpaabot ng pasasalamat sa lahat ng mga volunteer ng nagdaang halalang pangbarangay

SHARE THE TRUTH

 28,842 total views

Nagpaabot ng pasasalamat ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng volunteers na naglingkod sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay PPCRV National Chairperson Evelyn Singson, mahalaga ang tungkuling ginampanan ng PPCRV volunteers upang isulong ang pagkakaroon ng C.H.A.M.P elections sa bansa o ang Clean, Honest, Accurate, Meaningful, at Peaceful Barangay and SK Elections.

Pagbabahagi ni Singson, hindi matatawaran ang paglilingkod ng mga PPCRV volunteer sa buong bansa na ibinahagi ang kanilang panahon, kakayahan at maging kaligtasan upang maisakatuparan ang misyon ng PPCRV sa loob ng nakalipas na 32-taon na bantayan ang katapatan, kaayusan at kapayapaan ng halalan sa bansa ng walang hinihintay na kapalit.

“We would like to thank all our PPCRV volunteers nationwide, among them senior citizens and PWDs. Thank you for your spirit of volunteerism and commitment to C.H.A.M.P elections. PPCRV has been guarding the vote for 32 years now and we salute each and every volunteer for their selfless service, dedication, commitment, and love for God and country.” Ang bahagi ng mensahe ni Singson.

Umaasa naman si Singson na maisasabuhay ng mga naihalal na opisyal ng katatapos na halalang pambarangay ang mga katangian ng isang mabuting lingkod bayan-ang pagiging maka-diyos, makabayan, matapat, magalang, masipag, at matulungin.

Paliwanag ni Singson, mahalaga ang tungkulin ng mga opisyal ng barangay at sangguniang kabataan bilang daluyan ng mga programa ng pamahalaan para sa bawat mamamayan.

“PPCRV has been asked about the expectations of the newly elected BSKE officials. In a nationwide poll conducted to determine the key characteristics of a Model Filipino citizen, it was determined by survey respondents that the Model Filipino is MAKA-DIYOS, MAKABAYAN, MATAPAT, MAGALANG, MASIPAG, MATULUNGIN. It is our hope that the newly elected Barangay and SK officials deliver services with these hallmark and stalwart characteristics of a model Filipino citizen.” Dagdag pa ni Singson.

Batay sa tala ng PPCRV, umabot sa mahigit 200,000 ang volunteers mula sa mula sa iba’t ibang mga parokya at diyosesis sa buong bansa -ang pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa naganap na halalang pambarangay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 25,469 total views

 25,469 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 33,569 total views

 33,569 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 51,536 total views

 51,536 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 80,598 total views

 80,598 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 101,175 total views

 101,175 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 1,121 total views

 1,121 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,940 total views

 1,940 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 7,371 total views

 7,371 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top