Archdiocese of Caceres, nanawagan ng pakikiisa sa “Tabang Bicol”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 312 total views

Kumikilos na ang Archdiocese of Caceres upang makapangalap ng tulong mula sa iba’t-ibang institusyon ng Simbahang Katolika para sa rehabilitasyon ng mga nasirang kabahayan dahil sa epekto ng bagyong Nina sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon kay Archdiocese of Caceres Social Action Director Rev. Fr. Jeffrey Briones, nakipagpulong siya kay Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual kung saan ipinahayag ng pinuno ng social arm ng Archdiocese of Manila ang intensyon na magbahagi ng P300 libong piso bilang tulong sa rehabilitation program ng kanilang arkidiyosesis.

Sinabi din ni Fr. Briones na nakikipag-ugnayan na rin sa kanila ang Catholic Relief Services para sa shelter assistance habang bukas din sila sa pakikipagtulungan sa iba’t-ibang mga non-government organization.

“Initially nagbigay sila [Caritas Manila] ng P300 thousand for rehab. Ang CRS tutulong din sa shelter sila yung mga naka-usap na naming sa bahagi ng Simbahan,”pahayag ni Fr. Briones.

Aminado ang Pari na halos lahat ng parokya sa Camarines Sur ay naapektuhan ng bagyong Nina at magpahanggang sa ngayon ay marami pang munisipalidad ang wala pa rin kuryente.

“92 Parishes ang naapektuhan, 56 Parishes nahatiran na naming ng tulong. Until now marami pang poste ang hindi naibabalik marami pang municipalities ang wala pa din kuryente,” giit ng Social Action Director ng Archdiocese of Caceres.

Sa kasalukuyan din aniya ay nagsasagawa sila ng donation drive para makalikom ng mga pako at yero na siyang magagamit upang maipagawa ang masirang kabahayan.

Umaapela si Fr. Briones sa mga nais tumulong sa kanilang programa na tinawag na “Tabang Bicol” na makipag-ugnayan lamang sa kanilang Arkidiyosesis.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC umabot sa mahigit 400 pamilya ang naapektuhan ng bagyo bago ang pagtatapos ng taong 2016 kung saan pinakamalaking bilang nito ay mula sa Bicol region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 17,177 total views

 17,177 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 67,191 total views

 67,191 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 63,060 total views

 63,060 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 99,100 total views

 99,100 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 106,924 total views

 106,924 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 82,906 total views

 82,906 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top