Typhoon Nina victims, makikibahagi sa traslacion ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 355 total views

Makikibahagi pa rin sa Traslacion ng imahen ng poong Hesus Nazareno ang mga nasalanta ng bagyong Nina sa Bicol Region.

Ito ang tiniyak ni Rev. Fr. Renato Dela Rosa, Social Action Director ng Diocese of Virac kasabay ng patuloy na pagbangon ng kanilang mga mamamayan mula sa epekto ng kalamidad.

Ayon kay Fr. Dela Rosa, lalong tumatag ang pananampalataya ng mga bikolano at marami sa mga naninirahan sa Catanduanes ang deboto ng Hesus Nazareno.

Aminado ang pari na maraming luluwas ng Maynila mula sa kanilang lalawigan para makibahagi sa Traslacion 2017 sa ika-9 ng Enero habang ang ilan naman ay nagsasagawa na ng pagnonovena sa mga parokya.

“Opo marami pa din ang magpa-participate coming from our province. Ang debosyon nariyan pa din patuloy pa din. Ang kagandahan dito bawat parokya mayroon pa rin nanalangin at nagdadarasal.”pahayag ni Fr. Dela Rosa sa panayam ng Veritas 846.

Nanindigan din si Fr. Dela Rosa na ang kanilang ginagawa ngayong pagtulong sa mga naapektuhan ng kalamidad ay walang pinipiling relihiyon.

Aniya, kahit hindi mga katoliko ay kasama sa kanilang gagawing rehabilitation program basta’t ito ay nangangailangan at labis na naapektuhan ng bagyo.

“wala tayong pinipiling relihiyon, basta yun totally damaged at hindi maaring tirhan o partially damaged na bahagi lamang ng kanilang bahay ang nasira kasama pa rin sa on going assessment natin.” Giit ng Social Action Director ng Virac Catanduanes.

Sa tala ng Diocese of Virac, hindi bababa sa 4,500 kabahayan ang nasira ng bagyo sa kanilang nasasakupan.

Magugunitang una nang nagpahayag ang iba’t-ibang institusyon ng Simbahang katolika ng layunin na tumulong sa mga naapektuhan ng kalamidad kung saan ang Caritas Manila ay magpapadala ng P300 libong piso para sa rehabilitasyon ng mga nasirang kabahayan sa nasabing lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 16,989 total views

 16,989 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 67,003 total views

 67,003 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 62,872 total views

 62,872 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 98,917 total views

 98,917 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 106,762 total views

 106,762 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 82,902 total views

 82,902 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top