Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging miyembro ng Freemason, ipinagbabawal sa mga katoliko

SHARE THE TRUTH

 32,947 total views

Iginiit ng Vatican Dicastery for the Doctrine of Faith na ipinagbabawal para sa mga Katoliko ang pakikisangkot at pagiging miyembro ng Freemason.

Ito ang naging tugon ng dicastery kay Dumaguete Bishop Julito Cortes matapos magpadala ng liham upang bigyang-pansin at tugunan ang patuloy na pagdami ng mga lumalahok sa masonry sa diyosesis, at sa buong Pilipinas.

Ayon kay Dicastery of Faith Prefect Cardinal Victor Manuel Fernandez, ipinagbabawal sa mga Katoliko ang pakikibahagi sa Masonry dahil hindi naaayon sa mga katuruan ng simbahan ang mga prinsipyo nito.

“On the doctrinal level, it should be remembered that active membership in Freemasonry by a member of the faithful is forbidden because of the irreconcilability between Catholic doctrine and Freemasonry.” pahayag ni Cardinal Fernandez sa inilabas na liham.

Nilinaw naman ng dicastery ang kahalagahan ng pakikibahagi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para makalikha ng plano at pamamaraan upang maayos na matugunan ang usapin.

Iminungkahi rin nito sa CBCP na magsagawa ng katesismo sa mga parokya upang higit na maipaliwanag sa mananampalataya ang kaibahan at hindi pagkakasundo sa pagitan ng pananampalatayang Katoliko at Freemasonry.

“The Philippine Bishops are invited to consider whether they should make a public pronouncement on the matter.” saad ng dicastery.

Ipinagbawal sa mga katoliko ang pakikilahok sa masonry mula nang ilabas ni Pope Clement XII ang decree “In Eminenti” noong 1738.

Batay naman sa 1917 Code of Canon law, ang sinumang maging bahagi ng Masonic lodge ay papatawan ng ‘excommunication’ o ititiwalag sa pananampalatayang Katoliko.

Muli namang pinagtibay ng Vatican noong 1983 na ang pagiging miyembro ng Masonic association ay matinding kasalanan, at hindi maaaring makatanggap ng Banal na Pakikinabang.

Sa nakalipas na tatlong taon, nakapaglabas na ng tatlong pahayag ang CBCP upang bigyang-pansin ang usapin, ito ay ang “Pastoral guidelines in dealing with individual Catholics – members of Masonry” na unang inilabas noong Pebrero 2020 at binago nitong Setyembre 2023; gayundin ang “A clarification on the CBCP’s position on Freemasonry and a note on Canon 1374 of the CIC na inilathala noong Pebrero 2023.

Sa kasaysayan naman ng Pilipinas, tinalikuran nina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, at Manuel L. Quezon ang pagiging bahagi ng freemasonry, at muling niyakap ang pananampalatayang katoliko

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 12,248 total views

 12,248 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 20,348 total views

 20,348 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 38,315 total views

 38,315 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 67,604 total views

 67,604 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 88,181 total views

 88,181 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,087 total views

 8,087 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,378 total views

 9,378 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,777 total views

 14,777 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,761 total views

 16,761 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top