Pakinggan ang hinaing ng jeepney drivers at operators, panawagan ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,665 total views

Pakinggan ang hinaing ng sektor ng mga jeepney driver na naghahanap buhay upang may maipang-tustos sa pangangailangan pamilya.

Ito ang mensahe at pakikiisa ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa transport strike ng jeepney group ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).

Ayon sa Obispo, hindi maliit na suliranin ang kinakaharap ng mga jeepney drivers dahil sa banta ng total traditional jeepney phase out.

Mahalaga din na maayos na maiparating sa panig ng mga jeepney drivers, operators at pamahalaan ang kahinahunan at maayos na pagpaplano upang matugunan ang mga suliranin.

“Kaya humingi tayo ng panalangin sa Panginoon: O Diyos gabayan niyo po ang aming pamahalaan, ang mga namumuno sa amin na makinig sa mga daing ng mga tao at ngayon po ang dumadaing ay ang ating mga drivers, pakinggan po natin ang kanilang kalagayan at sana makahanap ng solusyon na mas matulungan sila na hindi naman sila mapupunta sa disadvantaged sa mga patakaran na ginagawa ng pamahalaan,” ayon sa panalangin ni Bishop Pabillo para sa ikabubuti ng kapakanan ng mga jeepney drivers.

Magugunitang sinimulan ng PISTON ang transport strike noong Lunes November 20 na magtatagal hanggang November 23 kung saan pangunahing naapektuhan ang mga ruta sa Quezon City, Novaliches at kalakhang Maynila.

Ipinapanawagan ng PISTON ang pagpapatigil ng pamahalaan sa deadline ng consolidation ng mga jeepney drivers at operators na unang itinakda sa December 31, 2023 kung saan dapat ay maging bahagi sila ng mga kooperatiba at franchises upang makasabay sa pagpapatuloy ng jeepney modernization program ng pamahalaan.

Upang maibsan ang pasakit na dulot sa mga commuters, unang nagpatupad ng mga libreng-sakay scheme ang Office of the Vice-president, Metro Manila Development Authority, Philippine National Police at iba pang Local Government Units na apektado ng transport strike.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 57,314 total views

 57,314 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 53,183 total views

 53,183 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 89,385 total views

 89,385 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 97,766 total views

 97,766 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 122,318 total views

 122,318 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top