CWS, nakipagdayalogo sa kalipunan ng mga manggagawa sa Metro Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,966 total reads

Matagumpay na naidaos ng Church People Workers Solidarity ang CWS FORUM sa Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto.

Sa pagtitipon ay nakipagdiyalogo ang CWS sa ibat-ibang kalipunan ng mga manggagawa sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Pilipinas upang malaman ang mga suliranin sa suweldo at benepisyo.

Nalaman sa talakayan na mababang suweldo, hindi pantay na benepisyo, kontrakwalisasyon, karahasan sa lugar ng paggawa, paniniil ng mga employers, hindi makatarungang justice system at red-tagging ang mga pangunahing suliranin na nararanasan ng mga manggagawa.

“Kaya ang Tema natin sa pagtitipon na ito ay ‘Strengthen Workers and the Church People Commitment and Action to Workers Rights and Welfares’, kaya po inaasahan natin na mapunuuan ang ating kaalaman, partikular sa usapin ng sahod, dangal sa paggawa at ang karapatan ng mga manggagawa at ng sa ganon ay mailapit natin ang ating sarili sa mga realidad na makikita at makikibaka,” ayon sa mensahe ni Sr.Maria Lisa Ruedas, DC na CWS-National Capital Region Convenor.

Dumalo sa forum ang Kilusang Mayo Uno, Manila All Workers Unity, Labor Alliance for National Development Land at Defend Job Philippines.

Kinilala naman ni KMU Executive Secretary Jerome Adonis ang patuloy na pakikiisa ng simbahang katolika sa mga adbokasiyang isinusulong ang kapakanan ng mga manggagawa.

Ito ay dahil sa tulong ng simbahan, napapalakas ang mga panawagan ng pagbabago at reporma sa pamahalaan upang makamit ang mga kagayang apela sa pagtataas ng suweldo.

“Sa maraming strike ng mga manggagawa, kasama natin ang mga taong simbahan,dahil tayong mga manggagawa ay naniniwala na yung ating ipinaglalaban ay hindi maipagwawagi ng uring manggagawa lang, naniniwala tayo na mahalaga para magwagi tayo, yung ating pakikibaka ay kailangan natin isalin sa laban ng ibat-ibang sector at ng buong bayan, buhayin po natin yung mga ganung tradisyon dahil yun ang kinakailangan,” ayon sa mensahe ni Adonis.

Una naring nakiisa ang Manila Archdiocesa Ministry for Labor Concern sa mga apela na itakda sa 1,170-pesos ang minimum wage na kapantay ng family living wage na pag-aaral ng Ibon Foundation upang makasabay ang gastusin ang kita ng mga manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 154,856 total reads

 154,856 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 186,010 total reads

 186,010 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 220,134 total reads

 220,134 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 276,540 total reads

 276,540 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top