Stewardship, paiigtingin ng Vicariate of Taytay at Puerto Princesa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,209 total reads

Matapos ang paggunita at pagdiriwang ng ika-400 taon ng Kristiyanismo sa Palawan, pinaigting naman ng bikaryato ng Taytay at Puerto Princesa ang pagiging mabuting katiwala sa mga biyayang handog ng Panginoon.

Simula Agosto ng 2022 hanggang 2023 ng ipagdiwang ng Vicariate of Puerto Princesa ang year-long celebration ng apat na dekada ng pananampalataya sa lalawigan sa temang Demdemen, Icelebra, Ipadayon.

“Nagkaisa ang dalawang bikaryato na ipagpapatuloy ‘yan sa pagpapalakas at pagpapalaganap ng stewardship-ng pagiging mabuting katiwala. Ang stewardship is a disciples’ response. ‘Yan yung response namin bilang disipulo ni Kristo, alagad ni Kristo bilang na kami’y maging mabuting katiwala,” ayon kay Bishop Pabillo.

Sa panayam sa programang Pastoral visit on-the-air ng Radyo Veritas 846, sinabi ng Obispo na palalaganapin ng simbahan ng Palawan ang katesismo sa mananampalaya upang maging ganap na katiwala ng Panginoon at manaig ang pagkakakilanlan ng tao bilang kawangis ng Diyos.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, ito ay sa pamamagitan ng pagkilala ng biyayang kaloob ng Diyos- ang buhay, panahon, kalikasan, galing, pananampalataya at paglilingkod.

“Be aware of our identity, maging mabuting katiwala tayo. Una kapag alam natin ang ipinagkatiwala sa atin, kaya we should be aware of the gifts of God na ibinigay sa atin. Awareness and gratitude of the gifts of God. At ano ba ang katiwala sa atin ng ano? Katiwala tayo ng lahat kasi hindi naman tayo ang may-ari ng lahat. Ngunit tayo ang namamahala, tayo ang nagsasabuhay at pinapangalagaan natin,” paliwanag ni Bishop Pabillo.

Sa pamamagitan ng pagkilala ay mas mauunawaan ng mananampalataya ayon sa obispo ang kahalagahan ng pagbabalik handog sa Diyos bilang pasasalamat.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo, “Tulad ng katiwala tayo ng buhay, ang buhay natin hindi atin. Ang buhay ng mga kamag-anak natin, ang buhay ng tao ay hindi atin-kaya dapat nating pahalagahan ang buhay at pangalagaan ang buhay.”

Binigyan linaw naman ng obispo na ang pagbabalik handog ay hindi lamang sa paraan ng pagbibigay ng donasyon, kundi ang pagpapahalaga sa buhay ng kapwa tao, hindi pagsasayang ng panahon, pangangalaga sa kalikasan at ang pagkakatoan sa paglilingkod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 153,084 total reads

 153,084 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 184,467 total reads

 184,467 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 218,591 total reads

 218,591 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 274,997 total reads

 274,997 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top