Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Pray and seek concrete ways for Peace,”-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,536 total views

Ikinalungkot ng Archdiocese of Manila ang karahasan sa Marawi City ng pasabugin ang Dimaporo Gymnasium ng Mindanao State University kamakailan.

Ayon kay Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula lubhang nakababahala ang insidente lalo’t katatapos lamang ng Red Wednesday campaign ng simbahan kung saan ginunita ang mga inuusig na kristiyano dahil sa pananampalataya.

“The Archdiocese of Manila mourns the loss of innocent faithful who perished at Mindanao State University-Marawi bombing while attending the Holy Eucharist on the first Sunday of Advent,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula.

Tiniyak ng arsobispo ang pakikiisa at pananalangin para sa kahinahunan at katatagan ng mga biktima ng pambobomba lalo na sa pamilya ng 11 nasawi sa insidente.

Ayon sa Philippine National Police natukoy na ang pagkakilanlan ng dalawang suspek sa MSU bombing na hinihinalang kasapi ng local terrorist group na may kaugnayan sa Islamic State in Iraq and Syria (ISIS).

Gayunpaman umaasa si Cardinal Advincula na magkaroon ng pagpanibago ng puso ang mga nasa likod ng krimen.

“As for you who have done this merciless crime, we are praying for your conversion may the Lord touch your heart so that you may realize the evil you have done and make right your brutal wrongdoing,” ani ng cardinal.

Una nang nagpabatid ng pakikiisa at panalangin ang Kanyang Kabanalan Francisco sa pamayanan ng Prelatura ng Marawi na pinangangasiwaan ni Bishop Edwin Dela Pena gayundin ang kahilingang kalingain ng Mahal na Ina ang bawat nagdurusa dahil sa karahasan.

Apela ni Cardinal Advincula sa awtoridad ang masusing imbestigasyon upang mabigyang katarungan ang mga biktima ng pagsabog sa Marawi.

“While we condemn this violent act and hope for justice to be served, we also continue to pray and seek concrete ways where it can contribute to the attainment of lasting peace not only in Mindanao but in the whole country as well,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging instrumento ng katotohanan

 10,701 total views

 10,701 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 50,195 total views

 50,195 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 66,530 total views

 66,530 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 75,003 total views

 75,003 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top