Arnold Jannsen Kalinga foundation, nagpapasalamat sa Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,417 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat ang Arnold Jannsen Kalinga Foundation sa Diyosesis ng Kalookan at sa pamunuan ng La Loma Cemetery para sa pakikipagtulungan sa nakatakdang itayong ‘Dambana ng Paghilom – Himalayan ng mga Biktima ng EJK’.

Ayon kay Arnold Jannsen Kalinga Foundation Inc. Founder and President Fr. Flavie Villanueva SVD, mahalaga ang pagpapahintulot ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na magamit sa loob ng 40-taon ang 100 square meters space sa La Loma Cemetery upang pagtayuan ng ‘Dambana ng Paghilom’ na magsisilbing huling hantungan ng mga biktima ng marahas na implementasyon ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

“The kind Bishop, Bishop Ambo David allowed us to use this 100 square meters space for 40-years that is very very generous, we thank him and his council and the administration of the La Lola Cemetery.” Ang bahagi ng mensahe ni Fr. Villanueva sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ng Pari, aabot sa 400 na mga urns ng mga biktima ng EJK ang maaring ihimlay sa 100 ispasyo ng Dambana ng Paghilom kung saan tatlo hanggang apat na mga urns ang maaring magkasya sa bawat isang ispasyo.

Umaasa naman si Fr. Villanueva na marami pang mga grupo o institusyon ang sumunod sa inisyatibo ng Arnold Jannsen Kalinga Foundation na pagpapatayo ng naaangkop na himlayan para sa lahat ng mga biktima ng karahasan ng nakalipas na administrasyong Duterte.

“Ito po ay magkakaroon ng, we are expecting at least 100 holes that would fit at least 3 to 4 urns inside so we are talking to about at least 400 urns inside. Again, this is just the first, I wish I hope others will follow.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Una ng inihayag ni Fr. Villanueva na layunin ng kauna-unahang EJK Memorial Site na tinaguriang Dambana ng Paghilom na mabigyan ng dignidad at pagpapahalaga ang lahat ng mga biktima ng EJK sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang naaangkop na himlayan at huling hantungan.

Matatandaang binigyang diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na mahalaga ang sinisimbolo ng nakatakdang itayo na Dambana ng Paghilom para sa mga biktima ng marahas na implementasyon ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte na isang kongkretong paalala na hindi na dapat na hayaang muling maulit pa ang naganap na karahasan sa lipunan.

Giit ng Obispo na siya ring pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), walang sinuman ang may karapatan na kumitil ng buhay ng kapwa nilalang sapagkat sagrado ang kaloob na buhay ng Panginoon sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 151,226 total reads

 151,226 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 182,945 total reads

 182,945 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 217,069 total reads

 217,069 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 273,475 total reads

 273,475 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 38,294 total reads

 38,294 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top