MOP, nagpaabot ng pagbati sa uniformed at civilian personnel ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,501 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang Military Ordinariate of the Philippines sa lahat ng mga kawani ng pwersa ng pamahalaan para sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, ang pasko ay isang pambihirang pagkakataon upang muling alalahanin ang kaligayahan at kapayapaan na hatid ng pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan.

Nawa ayon sa Obispo ay masumpungan ng bawat isa lalo’t higit ang mga kawani ng pwersa ng pamahalaan na naglilingkod sa pagtiyak ng kaligtasan at kapayapaan ng bansa ang kapayapaan at kapanatagan na hatid ng pagsilang ng Hesus na siyang tagapag-ligtas ng sanlibutan.

“Every Christmas celebration recalls joy, peace and love for the first Christmas when Jesus was born, the Gospel recounts immense joy, incomparable peace and overflowing love. Sana ngayong pasko maibalik natin at maranasan uli ang pagmamahal ng Diyos sa ating lahat. I greet all of you especially our uniformed men and women in duty with joy, peace and love of Christmas and send you the blessings from God.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop Florencio.

Tiniyak naman ng Obispo ang patuloy na pagsisilbing pastol at gabay ng Military Ordinariate of the Philippines para sa lahat ng mga kawani ng pwersa ng pamahalaan.

Ayon kay Bishop Florencio, bahagi ng tungkulin ng Military Diocese ang pagbibigay gabay at pag-asa sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan na itinataya ang kanilang buhay upang isakatuparan ang kanilang mandato na protektahan ang sambayanan at tiyakin ang kapayapaan ng lipunan.

“With our clergy and chaplains, we continue to build a society that is filled with hope, driven by charity and propel by peace.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa sa paggabay sa buhay espiritwal ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) at Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 52,011 total reads

 52,011 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 138,509 total reads

 138,509 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 181,546 total reads

 181,546 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 231,305 total reads

 231,305 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 390,064 total reads

 390,064 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top