Circle of discernments, isasagawa ng CBCP sa Cha-Cha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,311 total views

Naniniwala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang imulat ang kamalayan ng mga kabataan sa usapin ng pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Inihayag ni CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa naganap na pulong balitaan ng CBCP kaugnay sa posisyon at mensahe ng Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas sa kontrobersyal na People’s Initiative on Charter Change.

Pinangunahan ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang online press conference kasama sina Bishop Vergara at CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace Chairman, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang paggabay sa mga kabataan upang maging mulat at magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga nagaganap sa bansa kung saan kinakailangan ang kanilang aktibong partisipasyon at pakikibahagi sa mga talakayan.

“Isa sa siguradong gagawin ng mga Obispo na ginawa ko na rin ngayon ay lalo na i-cascade ito sa ating mga young people, yung mga schools namin dito and were already doing it for circles of discernment kasi magandang may kamulatan, malaki ang role ng kabataan ngayon lalo na para mamulatan sa mga issue na ganito. Kasi alam naman natin kapag dumadating ang mga plebesito o kaya eleksyon ganyan, ay yung mga kabataan natin ay kailangan mulat sa mga kaganapan para mas maayos sa kanilang pag-iisip kung anong mga desisyon nila lalo na kung may kailangan at may hinihingi ang pamahalaan para sa mahahalagang issue.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop Vergara.

Partikular namang pinuna ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang isinusulong ng mga Kongresista na magkasamang boboto ang Senado at Kongreso na isinasantabi ang umiiral na bicameral legislature sa bansa.
Iginiit ng Obispo na ang Kongreso at Senado ay magkapantay na sangay ng pamahalaan kaya hindi naaangkop ang ninanais ng mga Kongresista.

“Ang kanilang initiative – People’s Initiative to amend, tapos ang kauna-unahang item doon na gusto nilang idagdag ay ‘the Congress upon the vote of 3/4’s of its member voting jointly upon the call of the President of the Senate or the Speaker of the House of the Representatives’ parang napakasimpleng dagdag pero narinig na natin ang reaksyon mismo ng ating sariling Senado, it does not respect the Senate as a co-equal branch of government. Yun mismo ay isa ng probisyon na pagbabago na yun, parang huwag mong binabasta-basta kasi you are already behaving like you are in a unicameral legislature, bicameral tayo so ibig sabihin co-equal branch ang Senado [dapat] rerespetuhin ng Kongreso.”paglilinaw ni Bishop David

Unang isinapubliko ng CBCP ang pahayag sa People’s Initiative on Charter Change na may titulong “What is Good?” o “Ano ang Mabuti?” kung saan inihayag ng kalipunan ang planong pagsasagawa ng mga talakayan at pagpupulong upang magabayan ang mamamayan kaugnay sa usapin ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Nakapaloob sa CBCP statement na pagsusumikapan ng Simbahan na magabayan at mabuksan ang kamalayan ng bawat isa upang ganap na makapagdesisyon para sa ikabubuti ng buong bansa at ng kapakanan ng taumbayan.

Kaugnay nito, una na ding nagpalabas ng manifesto ang Senado hinggil sa mariing pagtutol sa People’s Initiative (PI) para sa Charter Change (Cha-cha) na naglalayong amyendahan ang 1987 Konstitusyon kung saan pinangangambahan ng mga Senador na maipasa ng pagbabago ng Konstitusyon at maisantabi ang kanilang 24 na boto kumpara sa mahigit 300 boto ng mga kongresista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 929 total views

 929 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 29,493 total views

 29,493 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 79,507 total views

 79,507 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 75,344 total views

 75,344 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 110,887 total views

 110,887 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top