Vicariate of Taytay Palawan, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,752 total reads

Patuloy na humiling ng panalangin at suporta ang Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan para sa pagpapagawa ng Katedral ng San Jose Manggagawa.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo tuloy-tuloy ang paggawa ng simbahan kung saan noong 2023 umabot na sa 30-milyong piso ang naggastos mula sa tulong ng mamamayan.

Umaasa si Bishop Pabillo na patuloy suportahan ang proyektong nakabinbin ng mahabang panahon dahil sa pandemya, kalamidad at kakulungan ng pondo.

“Based on the continues help na ibinigay ninyo kami po ay umaasa sa tulong ni San Jose na ma-inspire kayo at maka-inspire rin kayo ng iba pang mga tao na makatulong pa po sa amin.” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo.

Ibinahagi ng obispo na nasa 35 porsyento na ng gusali ang natapos mula nang sinimulan ang paggawa.

Isa sa mga inisyatibo ng bikaryato ang inilunsad na Trip to Palawan for 2 raffle draw kung saan ang malilikom na pondo ay gagamitin sa pagpapagawa ng cathedral.

Inilunsad ng bikaryato ang programa noong July 15, 2023 na nagpapatuloy sa kasalukuyan kung saan limang katao ang maaaring mananalo ng Trip to Palawan for 2.

2002 nang maitatag ang Bikaryato ng Taytay nang hatiin sa dalawa ang Apostolic Vicariate of Palawan; ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa na nangasiwa sa Central at Southern Palawan habang Northern Palawan naman ang sakop ng Apostolic Vicariate of Taytay.

Taong 2009 nang makakuha ng lupa ang bikaryato para pagtayuan ng cathedral sa pangunguna ni Bishop Emeritus Edgardo Juanich subalit dahil sa limitadong resources ng bikaryato hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling under construction ang cathedral.

Sa mga nais tumulong sa proyekto makipag-ugnayan sa Chancery office ng bikaryato at sa tanggapan ni Bishop Pabillo sa numerong 0921-754-5457 at 0915-936-9752 para sa karagdagang detalye.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,804 total reads

 45,804 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 131,169 total reads

 131,169 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,905 total reads

 177,905 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,777 total reads

 225,777 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 327,600 total reads

 327,600 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top