Suriin ang ugnayan sa Panginoon, paalala ni Bishop Ongtioco sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,263 total reads

Pinaalalahanan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mananampalataya na napapanahong suriin ang ugnayan sa Diyos ngayong panahon ng kuwaresma.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagsisimula ng paghahanda sa Paschal Triduum ngayong February 14, ang Miércoles de Ceniza o Ash Wednesday.

Sinabi ni Bishop Ongtioco na mahalaga ang panahon ng kuwaresma kung saan hinahanap at hinihintay ng Diyos ang tao na magbalik loob.

“Ngayong panahon ng kuwaresma panahon isang panahon ng pagsusuri ng ating kalooban tayo ba ay lumalago sa ating pananampalataya, ng ating pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa Diyos,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Bishop Ongtioco ang mahalagang gawain ngayong kuwaresma ang pananalangin, pag-aayuno, pagtitika at kawanggawa.

“Gamitin ang pagkakataon na ito maging mabunga ang ating kuwaresma sa pamamagitan ng panibagong sigla; nawa’y mag-ayuno tayo sa tamang paraan di lang sa pagkain ngunit sa mga salitang di nakatutulong upang ang mabigyang lakas, panibagong sigla yung ating kapwa dapat yung affirmation to support each other para lumago tayo sa kabanalan,” giit ng obispo.

Pinangunahan ng obispo ang banal na misa sa Radio Veritas Chapel sa Quezon City kasama si Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual.

Samantala inaanyayahan naman ni Fr. Pascual na kasalukuyang Executive Director ng Caritas Manila ang mamamayan na suportahan ang programang ‘Alay-kapwa 40 for 40 Challenge’ ng social arm ng Archdiocese of Manila.

Ito ang pagtitipid ng 40 piso kada araw sa loob ng 40 araw ng kuwaresma o kabuuang 1, 600 piso kung saan ang malilikom na pondo ay gagamitin para sa mga programa ng alay kapwa partikular ang feeding program ng simbahan na tumutugon sa usapin ng malnutrisyon sa kabataan gayundin sa mga nasalanta ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 79,780 total reads

 79,780 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 137,943 total reads

 137,943 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 274,452 total reads

 274,452 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 390,128 total reads

 390,128 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top