Nakiisa sa environmental forum, pinasalamatan ni Bishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,100 total reads

Pinasalamatan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang lahat ng sektor na nakiisa sa ikalawang environmental forum na ginanap sa Holy Name University sa Tagbilaran City.

Ikinatuwa ng obispo ang pakiklahok ng mga sektor ng pamayanan lalo na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lalawigan lalo’t tema ng pagtitipon ang ‘Bridging the Gap between Environmental Policy and Sustainable Practice’ kung saan malaking gampanin ng mga namumuno ng bayan para isulong ang mga batas na mangangalaga sa kalikasan.

“Together, we can work towards a future where our environmental policies are not just words on paper, but tangible actions that safeguard the beauty of God’s creation for generations to come,” ayon kay Bishop Uy.

Ang environmental forum ay inisyatibo ng Tagbilaran Baywatch na nangunguna sa pagsusulong ng mga programang mangangalaga sa kalikasan kabilang na rito ang pagtutol sa 12-bilyong pisong reclamation project sa baybaying dagat ng Tagbilaran City.

Pinuri ni Bishop Uy ang lahat ng sektor na dumalo lalo na ang mga kabataan na inaasahang itaguyod ang maayos na kapaligiran sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

“To the students who have graced us with your presence today, I commend your eagerness to engage in discussions that are essential to the well-being of our planet. Your active participation serves as a beacon of hope for the future, and I urge you to carry forward the lessons learned today as you embark on your journey to make a positive impact in the world,” giit ni Bishop Uy.

Nagbigay ng kanilang mga panayam sa forum sina Kilven Matuod na isang Geologist at si Environmental Specialist Dr. Maria Noelyn Dano na ayon kay Bishop Uy ang kanilang ibinahaging impormasyon ay malaking tulong para higit na maunawaan ng mamamayan ang kahalagahang itaguyod ang pagbibigay proteksyon sa kalikasan.

Hiling ng obispo sa mga dumalo sa environmental forum na magkaisang pangalagaan ang kalikasan, isulong ang mga gawaing makabubuti sa kapaligiran at tutulan ang anumang mapaminsalang proyekto na malaking banta sa pagkasira ng kalikasan.

Sa pagpapastol ni Bishop Uy sa diyosesis ay itinataguyod nito ang pangangalaga sa kalikasan alinsunod sa panawagan ng Santo Papa Francisco sa ensiklikal na Laudto Si kabilang na rito ang pagtatanim ng mga punong kahoy, paglilinis sa mga karagatan at iba pang anyong tubig gayundin ang pagtutol sa mapanganib na mga proyekto tulad ng Tagbilaran Bay reclamation project, coal fired power plant, quarrying at iba pa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 42,997 total reads

 42,997 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 128,361 total reads

 128,361 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 175,098 total reads

 175,098 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 222,970 total reads

 222,970 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 324,944 total reads

 324,944 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top