Pasig Catholic College sa 2024 Alumni Awardees: Maging huwaran ng kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,874 total views

Tiniyak ng Pasig Catholic College (PCC) ang paghuhubog sa mga mag-aaral upang maging huwarang mamamayan sa lipunan matapos.

Ito ang mensahe nina PCC President Fr. Daniel Estacio at PCC-Alumni Association President Allan Aluste sa paggawad ng parangal at pagkilala sa sa 2024 PCC Exemplary Alumni Awards.

Ayon kay Fr.Estacio, nawa sa pagtanggap ng parangal ay ipagpatuloy ng awardees ang kanilang mabubuting gawa na nasimulan sa kanilang mga kinabibilingang komunidad tungo sa pag-unlad.

“As our motto, Pasig Catholic College, persons of character and competence, itong mga recipient ng ating mga award ito ay talagang nahirang, napili, sapagkat sila ay sumasalamin ng mga katangian na ito ng isang graduate ng Pasig Catholic College, persons of character and competence at sana ay gawin nila itong ehemplo, inspirasyon, para magpursige, at gawin ang lahat ng makakaya para sa maging isang mabuti, maging tapat at kapakipakinabangan na mamamayan na naglilingkod sa mga pamayanan at higit sa lahat sa bayan natin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Estacio.

Tagubilin naman ni Aluste sa awardees ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga mabubuting adhikain sa lipunan na kanilang natutunan sa kanilang pagiging dating mag-aaral ng PCC.

“Unang-una ako’y nagpapasalamat sa lahat ng mga awardees dahil naipamalas nila na kahit matagal na silang graduate ng kumbento ay naisasabuhay parin nila yung turo ng kumbento, ito ang tatak ng batang kumbento, ito yung ating pinagmamalaki at I am very proud of our awardees,” ayon aky Aluste.

Kabilang sa mga tumanggap ng pangaral sina Broadcast Journalist na si Emil Sumangil ng GMA-7, Fr. Carlo Magno Marcelo ng Archdiocese of Manila, Agriculturist Vernie Beo, Artist Roderick Macutay, Accountant Ana Maria Salvador, Engineer Paul Anton Mahinay at Choir Conductor Norberto Edades.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,616 total views

 47,616 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,485 total views

 43,485 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,687 total views

 79,687 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,389 total views

 88,389 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,668 total views

 113,668 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top