Dulot ng karanasan sa Covid-19: Kalusugan, mga may karamdaman; mas binibigyang pagpapahalaga ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,612 total reads

Nagagalak ang health ministry ng simbahan sa aktibong pakikibahagi ng mga diyosesis at parokya sa Pilipinas sa pagdiriwang ng World Day of the Sick nitong Pebrero.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care executive secretary, Camillian Father Dan Cancino, patunay ito ng higit na pagpapahalaga at pangangalaga ng bawat isa sa mga may karamdaman, gayundin sa mga kumakalinga at tagapaghatid ng lunas sa mga may sakit.

Ipinagdiriwang ang pandaigdigang araw ng mga may sakit tuwing ika-11 ng Pebrero, kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes, upang alalahanin at ipanalangin ang mga may karamdaman, gayundin ang pagbibigay-halaga sa mga nangangalaga sa kanila.

“Makikita mo na parang may ripple effect ‘yung world day of the sick kasi hanggang ngayon, may mga parokya na may celebration sila para sa mga may sakit. Kumbaga, tumataas ‘yung kamalayan natin na ilagay ang mga maysakit at ang mga nangangalaga sa mga may sakit sa sentro ng ating mga panalangin,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Cancino na higit na tumaas ang pagpapahalaga ng mga tao sa kalusugan dahil na rin sa pag-iral ng coronavirus pandemic sa bansa.

Ang iniwang pinsala ng COVID-19 sa buhay ang nagbunsod tungo sa higit na pagpapadama ng pagmamalasakit at pagkalinga sa mga may karamdaman, gayundin sa medical frontliners na nag-alay ng buhay upang malunasan ang nakakahawa at nakamamatay na sakit.

“Nakita natin ang kahalagahan ng kalusugan, kahalagahan ng frontliners, kahalagahan ng bawat tao, nagkaroon tayo ng kamalayan na sana ay magpatuloy ito. Ang komisyon ng healthcare ng cbcp ay pinaiigting ang selebrasyon na ito, araw ng mga may karamdaman, at pinag-iigting din ang kahalagahan ng ating mga healthcare frontliners,” saad ni Fr. Cancino.

Tema ng World Day of the Sick ngayong taon ang “Healing the Sick by Healing Relationships,” na panawagan ng Santo Papa Francisco sa bawat mananampalataya na sa kabila ng pinagdaraanang karamdaman ay patuloy nawang paigtingin ang ugnayan sa Panginoon upang ganap na makamtan ang tunay na kagalingan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 114,866 total reads

 114,866 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 149,142 total reads

 149,142 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 183,273 total reads

 183,273 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 239,677 total reads

 239,677 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 181,036 total reads

 181,036 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top