Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tanggapin ang mga makasalanan

SHARE THE TRUTH

 221 total views

Hindi makatutulong ang paghusga at pagtataboy sa mga nagkamali at nagkasala sa lipunan upang muling maibalik sa tama ang kanilang pananaw at direksyon sa buhay.

Ayon kay Diocese of Boac Bishop Marcelino Maralit, ito ang humahadlang sa ipinagkaloob na banal na awa ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang banal na awa ng Diyos ay naglalayong maibalik sa pagiging isang tunay na kawangis ng Diyos ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng panibagong opurtunidad sa mga nakagawa ng pagkakamali at kasalanan sa kapwa.

“Sa huli, the chance that they are given that they change, don’t give them a chance they won’t change, and who are we to say that a person cannot change? So ‘yung Divine Mercy, it’s an opportunity to become what we were supposed to be, we were born, we were created in the image and likeness of God we lost that for whatever reason, whatever we have done. Ang ginagawa ng Mercy, we’re just being brought back to that.” pahayag ni Bishop Maralit sa panayam sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, ang bawat isa ay kawangis ng Panginoon at dahil sa maling mga desisyon sa buhay ay naligaw ng landas.

Ito ayon kay Bishop Maralit ang isang dahilan kung bakit kinakailangan na maging daluyan ng awa ng Panginoon ang bawat isa at ipagkaloob sa mga nangangailangan ang habag, awa at tulong mula sa Maykapal.

Pagbabahagi pa ng Obispo, sa mismong mga opisyal ng pamahalaan at mga kapulisan nararapat magsimula ang Awa para sa kapwa upang pagkalooban ng panibagong opurtunidad ang mga nagkasala sa gitna ng patuloy na paglaki ng kaso ng extra judicial killings na itinuturing ng Philippine National Police na Death Under Investigation.

Sa pinakahuling ulat ng PNP, tinatayang nasa 1.2-milyong mga drug personalities na sa buong bansa ang sumuko sa mga otoridad mula noong simulan ang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga noong nakalipas na taon.

Sa panayam ng Radio Veritas, inihayag ni WACOM 4 delegate Michael Hii,isang breast cancer survivor na ang Diyos ay nangungusap sa bawat isa na iligtas ang ibang kaluluwa.

Read: http://www.veritas846.ph/iligtas-ang-ibang-kaluluwa/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 18,155 total views

 18,155 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 26,255 total views

 26,255 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 44,222 total views

 44,222 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 73,385 total views

 73,385 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 93,962 total views

 93,962 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 102,594 total views

 102,594 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 65,965 total views

 65,965 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top