Paglilingkod at pagmimisyon, palalakasin ng Radio Veritas 846

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,428 total views

Tiniyak ng pamunuan ng Radio Veritas 846 ang pagpapalakas ng himpilan sa paglilingkod at pagmimisyon.

Ito ang mensahe ni Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual sa pagdiriwang ng ika – 55 taong anibersaryo ng pagkatatag ng himpilang nakatalaga sa pagmimisyon ng simbahan.

Sinabi ng pari na sa pagbabago ng panahon tulad ng pag-usbong ng teknolohiya ay gagamitin ito ng himpilan para sa higit na pagmimisyong maipalaganap ang mga Salita ng Diyos sa bawat komunidad.

Lalo pa nating palalakasin ang ating programa nationwide at sa panahong ito ng social media palalakasin natin ang social media ministry, at higit sa lahat ang multimedia platform ng Radio Veritas,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Itinuring ni Fr. Pascual na malaking biyaya ang mahigit limang dekadang paglilingkod sa kristiyanong pamayanan lalo na ang pagtataguyod sa katotohan sa gitna ng pag-iral ng fake news at misinformation.

Ito po ay malaking grasya at responsibilidad na patuloy ipalaganap ang katotohanan na nanggagaling sa Salita ng Diyos. Lalo na ngayong napakaraming pekeng balita at half-truths, mga subjectivity, napakahalaga po na tayo po ay manindigan kung ano ang katotohanang nakaugat sa Salita ng Diyos,” ani Fr. Pascual.

Kinilala rin ng opisyal ang pagiging masigasig ng mga kawani ng himpilan gayundin ang mga obispo, pari at mga laykong nagtataguyod sa mga programang inihahandog sa Kapanalig community.

Tinukoy ni Fr. Pascual ang pagsisikap ng himpilan na makamit ang vision na maging ‘leading Social Communication Ministry for truth and new evangelization’ at ang mission na ‘To expand the Church in multimedia and establish a center for information and communication’.

Ibinahagi rin ng pari na kabilang sa mga binabalak ng himpilan sa pangunguna ng chairman nito na si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagtatayo ng permanenteng tahanan sa bahagi ng Guadalupe Minor Seminary na gagawing media hub at pagbuklurin ang mga media arm ng arkidiyosesis.

Sa kasalukuyan bukod sa mapakikinggan ang himpilan sa 846 sa talapihitan ng mga radyo, ito rin ay mapakikinggan sa Cignal Cable Channel 313 at sa E-radio portal habang matutunghayan naman ang livestreaming sa DZRV 846 Facebook Page, Veritas PH Youtube Channel gayundin sa Veritas TV sa Sky Cable Channel 211

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 69,093 total views

 69,093 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 92,252 total views

 92,252 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 113,526 total views

 113,525 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 278,989 total views

 278,988 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top