Caritas Philippines, umaasang bukas sa dayalogo ang bagong Senate President

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,273 total reads

Umaasa ang social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging bukas sa dayalogo ang bagong liderato ng senad.

Batid ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace na sa pamumuno ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri ay pinakinggan nito ang opinyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan hinggil sa usapin ng pagpapalit ng konstitusyon.

“Sana naman maging bukas ang puso at isipan ng bagong liderato sa pangunguna ni Senator Chiz Escudero na pakinggan ang hinaing ng ating mamamayan dito sa usapin ng Cha-Cha,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Kaugnay nito hinimok ng opisyal ang mamamayan lalo na sa Metro Manila na makiisa sa isasagawang ‘Peoples’ March and Prayer Against Charter Change’ sa May 22 sa alas tres hangang alas singko ng hapon sa harapan ng Senado sa Pasay City.

Nilinaw ni Bishop Bagaforo na mahalaga ang sama-samang pagkilos na tutulan ang napipintong pagpapalit ng konstitusyon sa pamamagitan ng pagbago ng economic provision ng 1987 Constitution.

Iginiit ng obispo na maganda ang kasalukuyang konstitusyon sa bansa dahil ito ay maka-Diyos, makatao, makabayan at may pagpapahalaga sa mga mahihirap subalit hindi maayos na naipatutupad sa lipunan.

“Do not touch our constitution at present. As much as possible we would like to protect ng ating present constitution sapagkat nakita natin pro God at walang dapat palitan doon,” ani Bishop Bagaforo.

Binigyang diin ni Bishop Bagaforo na nakababahala ang binabalak nba economic provision kung saan pahihintulutan ang mga dayuhang makapagbukas ng mga negosyo at magkaroon ng mga ari-arian sa bansa na hindi makatarungan at lubhang mapanganib para sa mga Pilipino.

Bukod pa rito ang pangambang palitan ang political system ng gobyerno na magpapalawig sa paninilbihan ng ilang pulitiko na nagsusulong lamang ng pansariling interes sa halip na itaguyod ang kapakanan ng taumbayan.

Inaasahan ang pakikibahagi ng humigit kumulang sa tatlong libong katao mula sa iba’t ibang mga parokya, catholic insitutions kabilang na ang mga paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Hinimok din ng mga obispo ang mga parokya na hindi makadadalo sa prayer rally sa senado na magsagawa ng kaparehong gawain sa mga parokya sa parehong oras.

Patuloy ang paninindigan ng CBCP laban sa charter change at iginiit na hindi napapanahong palitan ang kasalukuyang 1987 Constitution sa halip ay hinimok ang pamahalaan na gumawa ng mga polisyang makatutugon sa pangunahing suliranin na kinakaharap ng bansa kabilang na ang kahirapan, kagutuman, at kawalang sapat na oportunidad sa mga Pilipino lalo na ang mga magsasaka at manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 35,806 total reads

 35,806 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 121,653 total reads

 121,653 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 168,391 total reads

 168,391 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 216,263 total reads

 216,263 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 318,532 total reads

 318,532 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top