SANLAKBAY program, may 12 Parokya ng tutulong sa drug surrenderers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 754 total reads

Nasa 12 parokya ng Archdiocese of Manila ang inihahanda na para sa programa nito na tinatawag na ‘SANLAKBAY Sa Pagbabago ng Buhay’ sa mga drug surrenderers.

Ayon kay Rev. Fr. Roberto ‘Bobby’ Dela Cruz, priest in charge ng Restorative Justice Ministry ng Archdiocese, kinakailangan na maayos ang pagsisimula ng programa ng nasabing mga parokya kaya’t patuloy ang pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng mga barangay at ng Philippine National Police.

Sinabi ng pari na kailangan muna ang mga orientation bilang hakbang kung paano tutugunan ang pangangailangan ng mga sumukong drug dependents.

Dagdag ng pari, sa kasalukuyan, may 3 ng parokya ang Archdiocese of Manila ang aktibo na sa pagpapatupad ng Sanlakbay kabilang dito ang mga parokya ng San Roque, Sta. Monica sa Tondo at Our Lady of Remedies sa Malate Maynila.

“Okey naman ngayon, nagsimula tayo sa maliit pero ngayon may 11-12 parokya na inaayos namin para magsimula pero yung on-going ngayon nasa San Roque at Santa Monica parishes sa Tondo at ang isa sa Our Lady of Remedies Malate Church. Merun din tayo sa San Juan at Makati pero inaayos pa ito, kailangan organized na magkaroon ng orientation muna since bagong hakbang ito para sa mga surrenderers. Kailangan kasi ng pag mi-meeting sa barangay, sa PNP at sa parokya, since bago lamang ito, mahalagang masimulan ito ng may tamang impormasyon at inihahada ang lahat.” pahayag ni Fr. Dela Cruz sa panayam ng Radio Veritas.

Pahayag pa ni Fr. Dela Cruz, marami na rin ang gustong makilahok sa trainings at umaasa siya na magbubukas ito sa iba pang parokya at huwag matakot na tumulong para sa pagbabagong buhay ng mga biktima ng iligal na droga.

Ang Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay program ay binubuo ng Caritas Restorative Justice Ministry, Center for Family Ministries (CEFAM), University of Sto.Tomas Graduate School Psycho-Trauma(UST-GS-PRC), DAP, PCCID, Department of Health, Department of Interior and Local Government(DILG), Philippine National Police(PNP) at Radio Veritas.

Una ng inihayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na tiwala siya na sa pagtutulungan ng Simbahan at pamahalaan sa programang “Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay” ay makamit ang inaasam na pagbabagong buhay ng mga drug surrenderers.

Una ng umaasa si Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na sa pagtutulungan ng Simbahan at pamahalaan sa programang “Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay” ay makamit ang inaasam na pagbabagong buhay ng mga drug surrenderers.

Dagdag ng Kardinal, tatlong aspekto ang mai-aalay ng Simbahan sa pagkalinga sa mga drug surrenderer na nagnanais magbagong buhay gaya ng paghubog sa buhay espiritwal ng mga sumukong drug addicts at drug pushers para makilala nila ang Panginoon sa pamamagitan ng salita ng Diyos, Katesismo at pagharap sa buhay kung sino sila at kung ano ang tingin sa kanila ng Poong Maykapal.

Sa latest report ng Philippine National Police sa nakalipas na 6 na buwan, humigit kumulang na sa 1.2 milyon ang drug surrenderers sa bansa kasabay ng operasyon ng pamahalaan na Oplan Tokhang.

http://www.veritas846.ph/dilg-nagpasalamat-sa-pakikiisa-ng-simbahan-sa-drug-rehab-program/

http://www.veritas846.ph/simbahan-bukas-ang-pintuan-sa-drug-dependents-cardinal-tagle/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 70,274 total reads

 70,274 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 114,950 total reads

 114,950 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 137,152 total reads

 137,152 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 173,643 total reads

 173,643 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 390,006 total reads

 390,006 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 239,180 total reads

 239,180 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 371,850 total reads

 371,850 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top