Namayapang biking Priest, hinahangaan ng CBCP President

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,493 total views

Nagpahayag ng paghanga at pagkilala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa naging makabuluhang buhay at adbokasiya ng namayapang si Redemptorist Father Amado “Picx” Picardal, CSsR.

Sa Pastoral Visit On-Air sa Radyo Veritas ni Bishop David ay ibinahagi ng Obispo ang pakikidalamhati at pakikibahagi sa paghahatid sa huling hantungan ngayong araw kay Fr. Picardal na nakilala sa kanyang adbokasiya na may kaugnayan sa pagsusulong ng kapayapaan at katarungang panlipunan sa bansa.

Ayon kay Bishop David, kahanga-hanga ang pambihirang tapang ni Fr. Picardal na tinagurian bilang “biking priest” kung saan sa pamamagitan ng pagbibisikleta sa iba’t ibang lugar sa bansa ay kanyang isinusulong ang kanyang mga adbokasiya sa kapayapaan at katarungang panlipunan para sa bawat mamamayan.

“We’re also sorry to say na pumanaw si Fr. Amado Picardal, CSsR at siya ay inilibing sa araw na ito. He was the former executive secretary ng Basic Ecclesial Community Commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Alam natin, kilala natin he was a great man and bold prophet of social justice ‘Father Picx’ ang tawag sa kanya Fr. Amado Picardal, CSsR Redemptorist.” Bahagi ng mensahe ni Bishop
David sa Radyo Veritas.

Pinangunahan ni Cebu Auxiliary Bishop Emeritus Emilio “Boy” Bataclan ang Banal na Misa para sa paghahatid sa huling hantungan kay Fr. Picardal na namayapa sa edad na 69-na-taong-gulang dahil sa cardiac arrest noong ika-29 ng Mayo, 2024 kasabay ng kanyang ika-47 anibersaryo ng religious profession.

Ipinanganak si Fr. Picardal noong October 6, 1954 at naordinahang Pari noong April 24, 1981 kung saan kayang mariing isinulong ang pagkakaroon ng kapayapaan at katarungang panlipunan sa bansa partikular na laban sa mga serye ng karahasan sa syudad ng Davao.

Nagsilbi rin si Fr. Picardal bilang dating executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Basic Ecclesial Community Committe na ngayon ay isa ng Episcopal Commission.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 64,472 total views

 64,472 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 64,472 total views

 64,472 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 64,472 total views

 64,472 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 62,491 total views

 62,491 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 57,086 total views

 57,086 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top